Sunday , December 22 2024
Alekhine Fabiosa Nouri Fayzan Momin
MAGKASAMA sa larawang ito sina Fayzan Momin ng Pakistan at FIDE Master Alekhine Fabiosa Nouri ng Philippines. (Kuha ni MARLON BERNARDINO)

FM Alekhine Fabiosa Nouri panalo sa Round 4 sa World Junior Chess Championship sa Sardinia, Italy

ni Marlon Bernardino

SARDINIA, ITALY — Giniba ni FIDE Master Alekhine Fabiosa Nouri ng Filipinas kontra Fayzan Momin ng Pakistan, matapos ang fourth round ng World Junior Chess Championship 2022 Biyernes, ginanap sa Club Esse Palmasera Resort sa Cala Gonone sa Sardinia, Italy dito.

Ipinakita ng 16-anyos na si Nouri,  Grade 10 student ng La Concepcion College, City of San Jose Del Monte, Bulacan ang husay sa Sicilian Dragon set up para payukuin si Momin sa 31 pushes tangan ang black pieces.

Matapos ang 4 rounds ay tangan ng 79th seeded Nouri (Elo 2251) ang 2.0 points mula sa 1 win, 2 draws at 1 loss sa Open Under 20 division.

“I’m so happy I won my match today,” sabi ni Nouri na suportado ang kanyang European chess campaign nina Senator Mark Villar, Bounty Agro Ventures, Inc. (BAVI) President & General Manager Ronald Daniel Ricaforte Mascariñas, Buena Viel Construction and Project Management top honcho Engr. Jojo Buenaventura, City of San Jose Del Monte, Bulacan mayor Arthur Robes, NCFP Vice President for Visayas Rep. Neri Javier Colmenares, at NCFP Vice President for Mindanao Sen. Manny Pacquiao.

Malakas na binuksan ni Nouri ang kanyang kampanya matapos makipag-draw kay 19th seed Grandmaster (GM) Felix Blohberger (Elo 2493) ng Austria nitong Miyerkoles.

Ngunit natalo si Nouri kay 23rd seed International Master Gorshtein (Elo 2471) ng Israel sa second round Thursday afternoon session ay nakaahon matapos makipag-draw ulit kay Yegor Stolyarsky (Elo 1987) ng Israel sa third round evening session.

Nakikipaglaban si Woman National Master Mhage Gerriahlou F. Sebastian (Elo 1865) habang isinusulat ito kontra kay Chloe Badenhorst (Elo 1687) ng Republic of South Africa sa Girls Under 20 division.

Ang PH chess campain ay suportado nina National Chess Federation of the Philippines chiarman/president Prospero “Butch” Arreza Pichay, Jr., NCFP CEO GM Jayson O. Gonzales, Philippine Sports Commission led by chairman Jose Emmanuel “Noli” M. Eala, Commissioner Olivia “Bong” Coo and executive secretary Atty. Guillermo B. Iroy Jr., Philippine Olympic Committee president and Tagaytay city mayor Abraham “Bambol” Tolentino, Jr., the office of Foreign Affairs Assistant Secretary for European Affairs Jaime Victor B. Ledda, at FIDE delegate Casto “Toti” Abundo ng Asian Chess Federation.

Sina Nouri at Sebastian ay sinamahan sa Italy nina National Master Almario Marlon Quiroz Bernardino, Jr., at Susan Grace Tana Neri bilang kanilang mga coach.

(MARLON BERNARDINO)

About Marlon Bernardino

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …