SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
HINDI maitago ng founding chairman ng KSMBPI (Kapisanan ng Social Media Broadcaster ng Pilipinas Inc) na si Dr. Michael Aragon ang excitement at saya sa tuwing ibinabalita ang ukol sa pelikula nilang Socmed Ghosts na malapit nang matapos ang syuting.
Sa lingguhang Showbiz Kapihan, naibalita ni Doc Michael na matatapos na ang Socmed Ghosts at na tatalakay sa apat na social cancer ng ating bansa – climate change, extra-judicial killing, poverty and child prostitution. Kay naman pinaghahandaan na rin nila ang kasunod nito.
Sa ikalawang prodyus ng KSMBPI na pelikula, pawang mga baguhan ang itatampok nila pero promising. Lahat ng kasama rito ay produkto ng reality show ng KSMBPI na SocMed House: Bahay ni Direk Maiah na kasalukuyang napapanood sa KRTV YouTube channel at sa Facebook page ng KSMBPI.
Isa sa bida ng pelikula ay si Chase Romero na napanood na sa FPJ’s Ang Probinsyano bilang si Officer Clara de Castro. Sa Socmed Ghosts ay ginagampanan niya ang papel ni Desiree na isang nerd at may third eye.
Inamin ni Chase nang makahuntahan namin ito sa Showbiz Kapihan na masayang-masaya siya na nabigyan ng pagkakataong makapagbida. Isang malaking break nga naman ang ibinigay sa kanya ng KSMBPI.
Aminado si Chase na talagang kinabahan siya dahil first lead role niya ito pero at the same time ay excited siya sa bagong karanasang ito.
“First ever main role ko ‘to and ‘yun po ang isang nagpa-go sa akin. Siyempre, new experience. Syempre, gusto kong ma-experience na hindi na ako best friend (role) ni ganito, ni ganyan,” ani Chase.
Sinabi pa ni Chase na malaking pressure sa kanya ang pagbibida dahil kailangan niyang patunayan na deserving siyang mabigyan ng ganito kalaking break.
Bagamat sanay na ring umarte, hindi naman siya bakaw sa talento. Actually ibinabahagi rin ni Chase ang kanyang kaalaman sa pag-arte. Binibigyan niya ng pointers at tinuturuan din niya ang mga baguhang kasamahan sa Socmed House.
Sa totoo lang, nae-enjoy daw ni Chase ang paggawa ng pelikula lalo na nga sa camaraderie ng grupo dahil may natututunan din sila sa bawat isa.
Ang Socmed Ghosts ay idinirehe nina Jojo Albano at Karlo Montero kasama sina direk Pete Mariano at direk Jeremiah Palma.
Si Palma ang nagdirehe ng unang pelikulang ginawa ng KSMBPI, ang Umbra na dalawang beses nang nakakuha ng trope,ito ay Best Director sa international film festivals.
Ang Socmed Ghosts ay for international release at iginiit ni Doc Michael umaasa silang muling makasusungkit ng awards sa mga filmfest abroad.