Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Imee Marcos Atty Michael Manotoc

Bonding time sa anak na si Atty. Michael Manotoc, mapapanood sa bagong vlog ni Sen. Imee

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MAPAPANOOD ang bonding time ni Sen. Imee marco sa anak na si Atty. Michael Manotoc sa kanyang bagong vlog. Isa na namang bonggang linggo ng mga kapana-panabik na content sa opisyal na YouTube channel ni Sen Imee sa dalawang bagong vlogs na tiyak na kagigiliwan ng kanyang mga tagahangga. 

Una, magbibigay pugay si Sen. Imee sa kanyang ama, ang dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., sa kanyang pagunita sa 33rd na anibersaryo ng kamatayan nito. Sa heartwarming vlog na ito, isang grupo ng mga Marcos loyalists ang magbabahagi ng kanilang mga alaala sa pangulo na kung tawagin nila’y Apo Lakay, habang magbibigay naman ng isang insightful tour si Mamerta Agustin sa loob ng sikat na Marcos Museum sa Ilocos Norte. Ipakikita rin sa video ang pagbisita ni Sen. Imee sa kanyang ama sa Libingan Ng Mga Bayani. 

Sa Sabado, Oktubre 1, dahil na rin sa request ng napakaraming mga tagahangga, uupo si Sen. Imee kasama ang kanyang ikalawang anak na si Attorney Michael Manotoc, sa pinaka-kuwela nilang interbyu sa isa’t-isa. Mapapanood sa vlog ang mga aspeto ng pagkatao ni Atty Michael na hindi pa nakikita ng publiko.

Ang trending na tagumpay ng interbyu ni Imee sa kanyang panganay na si Borgy Manotoc ang sinundan ng vlog na ito na si Michael naman ang bida habang ipinapasilip niya ang ilan sa mga impormasyon ukol sa kanyang personal na buhay. Mapapanood din dito kung paano ipinagtanggol ni Atty Michael ang kanyang sarili sa nakaka-aliw na paratang ng mga kapatid na sina Borgy at Ilocos Norte Governor Matthew Manotoc na siya’y “iyakin,” habang ipinakikita rin ang kanyang pakikitungo sa inang si Senator Imee sa nakatutuwang chikahan nila. 

Ipagdiwang natin ang buhay at legasiya ni Pangulong Marcos Sr. at magsaya sa front seat pass sa the eksklusibong bonding nina Sen. Imee at Atty. Michael at mag-subscribe sa https://www.youtube.com/c/ImeeMarcosOfficial/featured.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …