Wednesday , November 30 2022
Piolo Pascual Rhea Tan

Aminadong pinag-ipunan ang Kapamilya star
BEAUTEDERM CEO RHEA TAN DREAM COME TRUE NA MAGING ENDORSER SI PIOLO PASCUAL,

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

IPINAHAYAG ng Beautéderm President and CEO na si Ms. Rhea Anicoche-Tan na dream come true na maging endorser nila si Piolo Pascual. Aminado rin siyang pinag-ipunan niya talaga si Papa P para maging endorser ng Beautéderm.

Kuwento ni Ms. Rhea, “I got Ate Sylvia (Sanchez) 2016, ang una kong tinanong kay Mam Ana Goma, kasi neighbors yata sila, sabi ko, ‘Mam A, gusto ko iyong first endorser ko na lalaki ay si Piolo.’ At that time, wala pa akong pambayad… Promise, sabi ko I’ll work hard, kasi gusto kong maging endorser ay si Piolo Pascual. Dream come true po siya, totoo iyon at nang nakilala ko siya, kaya pala siya love na love ng mga tao.”

Pagbabalik-tanaw pa ni Ms. Rhea, “Noong 2020, ang una nating ini-launch kay Piolo ay yung Beau charcoal soap natin and I’m  so grateful na talagang bumenta ito sa market because of Piolo Pascual. Kasi ang nag-trending noon parang kasing bango hindi ba, kapag tinignan mo pa lang si Piolo, ang bango na talaga, ganoon at ang ginagamit niya, Beau. Charcoal po ang best ingredients na pampaputi, kaya inilagay natin sa toothpaste. So, parang from soap, ginawa nating toothpaste.

“Isa siya sa A-listers na nakilala ko na totoong wala siyang ere, kaya pala siya Piolo Pascual, ay napaka-humble po niya.”

Kamakailan, pormal na ini-launch ni Piolo as ambassador ng pinaka-bagong set ng oral care essentials nito na Koreisu Family Toothpaste at Koreisu Whitening Toothpaste. Developed, tested, at manufactured ito sa Japan, ang KO-REI-SU ay kombinasyon ng mga salitang Hapon na KOKOTARU (bright), URESHII (happy), at TISU (teeth).

Nilikha ng Beautéderm ang Koreisu Family Toothpaste at Koreisu Whitening Toothpaste bilang isang set ng top tier oral hygiene essentials na parehong fluoride-free at triclosan-free na mayroong kaunting sangkap kaya naman ligtas at epektibo ito para sa buong pamilya. Gawa ang Koreisu Family Toothpaste sa Sodium Bicarbonate (baking soda) na ligtas na alternatibo laban sa ibang komersiyal na mga toothpaste at hindi nito isinasa-alang-alang ang mga anti-plaque benefits habang nilalabanan ang tooth-decay na sanhi ng bacteria. Ang Koreisu Whitening Toothpaste naman ay isang whitening toothpaste na mayroong activated charcoal na nagtatanggal ng mansta sa ngipin at ‘di kanais-nais na amoy sa hininga. 

Ito ang ikatlong taon ni Piolo bilang isa sa mga A-list endorsers ng Beautéderm.

Ang tagumpay ng aktor na kilala rin bilang Papa P ay bunga ng hard work at perseverance, na halintulad sa istorya ng Beautéderm na hinahangaan din ng ‘di mabilang na mga Pinoy. Pareho ang commitment ni Pascual at ng Beautéderm sa excellence at sa pinaka-mataas na standards ng kalidad, kaya naman perfect match sila. At dahil certified health buff si Piolo, siya talaga ang ideal na artist upang i-promote ang oral care essentials ng Beautéderm, lalo na ngayong mahalaga ang pag-maintain ng magandang kalusugan upang mabuhay at magtagumpay sa hirap ng buhay ngayon.   

Pahayag ni Piolo, “Koreisu Family Toothpaste and Koreisu Whitening Toothpaste are daily essentials of mine in maintaining excellent oral health. Ang mga ito ay all-natural products na ‘di lamang hygienic sapagkat nagbibigay ito ng extra layer of protection laban sa mga germs at viruses. Grateful ako sa aking Beautéderm family at kay Ms. Rei para sa tiwala nila na i-represent ko ang amazing products na mga ito that I absolutely love.”

Si Ms. Rhea naman ay sobrang excited at ligaya na makasama si Piolo sa pamilya ng Beautéderm sa loob ng tatlong sunod-sunod na taon.

About Nonie Nicasio

Check Also

Jake Cuenca Dimples Romana Sean de Guzman Tiffany Grey

Dimples pinuri ang pagiging propesyonal ni Sean

MA at PAni Rommel Placente ISA sa official entry sa darating na MMFF 2022 na magsisimula sa December …

Julie Anne San Jose Rayver Cruz

Rayver at Julie Anne umamin na

MA at PAni Rommel Placente SO, talagang may relasyon na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, …

Francesca Flores

Baguhang si Francesa totodo sa paghuhubad

MATABILni John Fontanilla ANG paghuhubad ang ginagawang stepping stone para makilala at sumikat ni Francesca Flores. …

Sean de Guzman Jake Cuenca Len Carillo Joel Lamangan Dimples Romana

Sean de Guzman bonus sakaling manalong Best Actor sa MMFF 2022

MATABILni John Fontanilla HINDI umaasang mananalo ng acting award si Sean De Guzman sa husay na ipinakita …

Angela Morena Stefanie Raz Micaella Raz

Angela wa keber suportahan ang kapatid

KITANG-KITA namin ang suportahan ng magkakapatid na Angela Morena, Stefanie Raz, at Micaella Raz sa pelikulang Bata pa si Sabel ng Vivamax na …