DEADMA lang si Janice de Belen tungkol sa kumakalat na tsismis na nabuntis umano ang anak niyang si Inah ng kasintahan nitong si Jake Vargas. Hindi na raw nagulat si Janice sa tsismis sa kanyang panganay dahil pinagdaanan din niya ito noon.
“Ako rin naman, natsismis dati na nabuntis, bago ako nagbuntis, ‘di ba?” sabi ni Janice sa interview sa kanya ngPep.ph.
“Itong isyung pagbubuntis ay mahirap itago sa panahon ngayon dahil sa social media.
“Wala naman. Parang wala naman. Kung mangyari ‘yun, eh, ‘di magkakaroon lang uli ako ng apo.
“Kung magbuntins man siya ngayon, she’s 30. She’s at that age… whatever choices she makes, kanya na ‘yun.
“Basta kaya niyang panindigan. Again, babalik ako sa hope and pray that I raised my child right.”
Hindi isyu sa kanila sakaling mangyari ito kay Inah dahil nasa tamang edad na nga ito.
Aniya pa, “Wala akong ini-impose na dapat nilang gawin sa buhay. Wala akong ganoon.
“Kasi, I cannot be quick to judge. Kasi, 18 po, buntis ako, wala naman akong asawa ‘di ba? Tapos, nahiwalay pa ako. Nagbuntis uli ako.
“Talaga? Ako pa ba ang magiging judgmental sa ganyan, ‘di ba?
“Kung magbuntis man siya ngayon, 30 na siya, 18 lang ako,” napapangiting sabi pa ni Janice.