I-FLEX
ni Jun Nardo
HATAW agad sa Tiktok si Marian Rivera na ilang linggo pa lamang niyang inilunsad!
Umabot agad sa 34,000 followers at 6,000 likes as of this writing ang hinamig ng bagong account ni Marian sa Tiktok.
Take note, ang pictorial niya para sa kanyang kaarawan ang unang inilabas ni Yan sa kanyang Tiktok.
Abangan ang birthday celebration ni Marian sa kanyang Tiktok dahil tiyak sasabog ang account niya once ilabas ito.
Eh pabolosa kasi ang OOTD niya at accessories na prinesyuhan ng isang sosyal na magazine na milyones ang halaga lahat, huh!