Friday , March 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Orlando Sol Home I Found In You

Orlando Sol nagtinda ng ‘laman’ 

RATED R
ni Rommel Gonzales

MARAMI ang nawalan ng trabaho sa panahon ng pandemya na hatid ng COVID-19.

Kaya para maka-survive, nagtinda si Orlando Sol ng laman.

Pero ang laman na itininda ni Orlando ay karne ng baka.

Sobra akong naging busy, praise the Lord sobrang thankful din ako ako kay Lord kasi noong pandemic, ‘yung business ko roon nag-boom.

“Meat, nagbebenta ako ng beef. Puro beef lang. Hindi ako nagbebenta ng pork eh, doon ako nag-focus eh, sa beef meat na bulalo, so mayroon akong cutter, mayroon akong freezer, ganoon.

“Online ito eh, sa bahay ko lang. Kumukuha ako sa ano, import ‘yun, ‘yung mga bulalo cut, so ako mismo ‘yung nagka-cut, ganoon ang ginagawa ko.

“Bumili ako ng cutter, bone saw, tapos minsan ako na rin ang nagde-deliver, dinadala ko sa mga bulalohan, ako na ‘yung nagsu-supply sa kanila, nakakuha ako ng mga regular clients ko, ganoon,” kuwento ng Masculadosmember at Raising Mamay mainstay.

And siyempre nag-aano ako kay Lord na, ‘Lord nagtitiwala ako, sa Inyo ako nagtitiwala.’

“Simula noong nawala si direk Maryo, mas lalo akong napalapit kay Lord. Isinuko ko na sa Kanya ang lahat.”

Ang yumaong direktor at talent manager na si Maryo delos Reyes ang manager ng maraming artista kabilang na si Orlando at ng buong grupo ng Masculados.

Sabi ko, ‘Lord, wala akong ibang manager ngayon, tutal ikaw naman ang nagpasok sa akin sa ganitong industry baka puwedeng ikaw na po ang manager ko. Sobrang nagtitiwala ako sa inyo kung ano po ‘yung ibigay N’yo sa akin Lord, basta sa Inyo lang po ako.’

“After that sunod-sunod naman ‘yung mga project na dumating kaya sobrang thankful ako kay Lord kasi wala akong ibang kinakapitan kundi Siya lang.”   

Sa pelikulang Home I Found In You ay gaganap si Orlando bilang Arnold Jimenez.

Ako po ‘yung tito ni Red, si Red si John Heindrick Sitjar.”

Cast members din ng Home I Found In You sina Diego Llorico (o mas kilala bilang Diego) bilang si Mama Rona;

Jhassy Busran bilang si Selene dela Cruz; Harvey Almoneda bilang Aldrin Padua; Soliman Cruz bilang Mario dela Cruz; at Eunice Lagusad bilang Judy-ann Pineda.

Idinirehe ito ni Gabby Ramos at mula sa produksiyon ng REMS Films (represented by AJ Ungson at Marlon Climaco) at malapit nang mapanood sa mga sinehan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Rabiya Mateo

Rabiya Mateo lalayasan na ang showbiz

I-FLEXni Jun Nardo PLANO na ng beauty queen na si Rabiya Mateo na lumayas na sa …

Cecille Bravo Disco Forever D4E

Negosyanteng si Cecille Bravo may pasabog sa dance concert

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ng businesswoman, Philanthropist na si Ms Cecille Bravo na pinasok na rin ang …

Jillian Ward Eman Bacosa Pacquiao

Jillian blooming dahil daw kay Eman Bacosa

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa social media ang mga larawang ipinost ng Kapuso …

Jillian Ward Sparkle GMA

Jillian muling pumirma ng kontrata sa GMA

RATED Rni Rommel Gonzales SA renewal ng kontrata ni Jillian Ward sa Sparkle GMA Artist Center ay natanong ang …

Ahtisa Manalo Sparkle GMA

Ahtisa Manalo dream leading man si Alden Richards

RATED Rni Rommel Gonzales BAGONG talent ng Sparkle GMA Artist Center ang beauty queen na si Ahtisa Manalo. …