Thursday , March 19 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Whistleblowers naglaho na sa Customs

Nang dahil sa ginawang pagtrato sa kanilang grupo ng whistleblowers nawalan na ng ganang magbato ng information sa Bureau.

Ito ay pagkatapos na halos ipitin ng DM sa ilalim ni Secretary Butch Abad sa pa-mamagitan ng legal opinion  ng DOJ. Sa ilalim ni de Lima nawala iyong hinahabol ng ilang grupo ng informants (ngayon ay whistleblower na) na P189-million, repeat, P189-million, na ini-re-represent ang 20 percent ng P2 billion na ibi-nayad ng isang major oil player, ang dating Caltex Philippines.

Ito ay pagkatapos hatulan ng Supreme Court na may tax fraud sa shipment ng oil/petroleum na multi-billion na ibinaba noong May 2000 sa Port of Batangas na hindi idineklara sa oras (30 days upon arrival of cargo it should be declared as such) ng cosignee na Caltex.

Idinemanda ng Port of Batangas ang nasa-bing oil company sa isyu na abandonment dahil daw hindi nga idineklara sa loob ng 30 days ang pagdating ng petroleum.

Pagkatapos ng mahabang court battle na umabot sa Supreme Court nagkaroon ng hatol ang korte at sinabing guilty of tax fraud ang oil firm at pinagbayad ng korte ng aabot sa P2 billion na tax and penalty na wala naman tutol na binayaran ng oil firm sa Bureau.

Noong panahon ni dating Commissioner Boy Morales tinanggap na ng Bureau iyong P2 billion na bayad. Pero paano itong nadiskubre? S’yempre may ilang informants or whistleblower na nag-tip sa pamahalaan. Tila isang grupo ng customs broker. Baka sila pa ang broker ng nasabing kompanya.

Ang ginawa ng Department of Finance ay ini-remit sa National Treasury iyong P2 billion at kasama rito iyong 20 percent para sa mga whistleblower.

Noon daw panahon ni Morales may mga bata siya na gustong angkinin halos ang P189-million reward na isinasaad naman ng tariff and customs code. Iyong 10 percent sa civilian INFORMER, at iyong kalahati sa government informer.

Arnold Atadero

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST 2 Cagayan Aglipay

Gov. Aglipay thanks DOST for innovations providing opportunities to Cagayanos

Governor Edgar Aglipay expressed his heartfelt gratitude to the Department of Science and Technology (DOST) …

DOST 2 Cagayan

DOST launches innovation and agriculture hubs in Cagayan

TUGUEGARAO CITY — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with the Provincial …

Institute for Climate and Sustainable Cities ICSC

Sigalot sa Middle East naglantad ng kahinaan ng PH sa langis  
Renewable energy itinutulak bilang solusyon

ni Teddy Brul BINIGYANG-DIIN ng Institute for Climate and Sustainable Cities (ICSC) na kailangang palakasin …

Yuki Sonoda Kelley Day All About Her

Yuki Sonoda at Kelley Day, nakaka-relate sa filmfest entry na “All About Her” 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG mga Pinoy na mahilig sa beauty contest ay dapat …

Jeric Gonzales Elizabeth Oropesa Graduation Day

Jeric at Elizabeth tampok sa pelikulang “Graduation Day” showing na sa March 18

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MATINDING drama na aantig at kukurot sa puso ng moviegoers …