Wednesday , June 24 2026

Paging CSC, paging Ombudsman!

Your word is a lamp to my feet and a light to my path.—Psalm 119:105

DAPAT umaksyon ang Civil Service Commission (CSC) ukol sa appointees sa iba’t ibang tanggapan ng Maynila dahil kuwes-tyonable ang mga kredensyal at pagkatao na isang paglabag sa CSC rules.

Magsagawa agad sila ng monitoring at evaluation upang malaman kung sino-sino (marami ito) ang di-kuwalipikadong maitalaga sa city hall.

***

ILANG beses na natin binanggit ang kaso ni ex-Chairman Raphael German Mendez ng Bgry 131 Zone 11, District 1.

Si ex-Chairman Mendez ay sinipa ng Ombudsman bilang Barangay Captain noon pang Marso 4, 2013 dahil sa kasong grave misconduct at prejudicial to the best interest of the service.

***

PERO laking mangha ng kanyang mga constituent nang i-appoint bilang officer in charge ng Manila North Cemetery.

Marami pang kahalintulad sa kaso ni Mendez na kung hindi may kaso ay hindi naman kuwali-pikado sa posisyon sa gobyerno.

***

DAPAT rin kuwestyonin ng CSC ang mga taong nasa likod ng rekomendasyon nila,  dahil sa hindi pagsuri sa credentials at personal background.

Naku,  ayoko magsapantaha na panibagong “ghost” ito. Dahil kapag nagkataon, sangkaterbang plunder case na naman ang kakaharapin nila.

***

NABANGGIT na rin lang natin ang mga “ghost” dapat kumilos na rin ang Ombudsman sa mga kasong nakabinbin sa kanilang tanggapan.

Daang milyong piso ang nawala sa kaban ng Maynila dahil sa mga nagkalat na “ghost employees” noon.

***

KOMPLETO na ang nga ebidensya at testimonya ng mga taong “ginamit” upang makakulimbat sa mahabang panahon ng salapi mula sa kaban ng bayan.

Tanging aksyon o desisyon na lamang ang hinihintay  upang  panagutin ang mga respon-sable sa pagbulsa sa pera ng taong bayan ng Maynila.

Madame Conchita Carpio-Morales, what happen?!

OPISYAL, TINANGGALAN NG POLICE ESCORTS?

SINO ang isang opisyal ng lokal na pamahalaan na tinanggalan na raw ng police security escort?!

Ang order ay nanggaling mismo sa kanyang tandem na Mayor ng isang Lungsod sa Metro Manila.

Back to barracks!

***

NALAMAN daw kasi ng Alkalde na karamihan sa mga police escort ng opisyal ay sangkot din sa pangongotong.

Inabuso raw kasi ng opisyal ang tiwalang ibi-nigay sa kanya ng Alkalde, kaya nang mapuno na sa galit, ay nagpasyang magbaba ng order na ibalik sa kanilang headquarters ang mga police escort ng opisyal.

***

NAGALIT daw ang Alkalde dahil sa kabila ng kanyag kautusan “no take policy” ay binalewala ng mga police escort ng opisyal.

Kaliwa’t kanan ang pangongotong mula sa mga vendors, jeepneys, FXs at bus companies dahil sa pag-aakalang hindi sisingaw ang kanilang operasyon. Imposible rin walang alam ang opisyal sa pinaggagawa ng kanyang mga tauhan.

***

NATUKLASAN daw ito ng Alkalde, nang bugbugin ng taong bayan ang isang tauhan dahil sa pangongotong.

Natatakot tuloy ngayon ang opisyal sa kanyang seguridad, dahil sa dami ng kanyang nakaaway, bukod pa sa mga pinagkakautang niya sa mga pnaglalaruang casino.

Wawa naman!

PAKIKIRAMAY: Taos -puso tayong na-kikidalamhati sa pagyao ng butihing ina ni Ding Manimbo na si Bella Manimbo kamakalawa.

Si Ding ay dati namahala sa Manila Zoo at isa sa masisipag na opisyal niMayor Alfredo Lim. Kababayan din ni Mayor Lim si Ding na taga-San Miguel, Bulacan.

***

GAYONDIN sa kabiyak ni Ferdie Sandoval na pumanaw nitong nakaraang Linggo. Nakikiramay ang inyong Lingkod sa pamilya naulila.

Ang Panginoong Hesus ang kanilang magi-ging kaagapay sa pag-akyat nila sa langit.

Mabalos!

Para sa anumang komento, mag-email sa [email protected]. o mag-text sa 09323214355. Lumalabas ang ating kolum tuwing Lunes Martes at Huwebes.

Chairwoman Ligaya V. Santos

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Rufina Villena Gelston

Rufina Villena Gelston, sasabak sa tatlong movies sa Inding-Indie Film

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio INILUNGSAD ng Inding Indie Film ang isa sa kanilang bagong proyekto …

Ruben Maria Soriquez

Ruben Soriquez waging Best Actor, “Sin Preguntas Sin Mas” titulo ng kanyang new album

MARAMING blessings ngayon ang Filipino-Italian actor/director/singer na si Ruben Maria Soriquez. Bukod sa pagganap sa mahalagang papel sa …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Isha Ponti

Paglulunsad ng album ni Isha Ponti sinuportahan ni Kevin Miranda

MATAGUMPAY ang album launch ng tinaguriang Asia’s Pop Sweetheart na si Isha Ponti, ang Likas noong June …

Vice Ganda Bini Juan Karlos

Vice Ganda, Juan Karlos, Bini wagi sa 17th Star Awards for Music

RATED Rni Rommel Gonzales INILABAS na ng PMPC Star Awards Inc. ang partial list of winners para …