Wednesday , February 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Nic Galano Doc Art Cruzada ARTalent

Nic Galano gem artist ng ARTalent Management

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MAHIYAIN pero tiyak lalamunin ka niya oras na kumanta na. Ito si Nic Galano na nawawala at nakakalimutan ang hiya sa oras na kumanta. Naroon kasi ang kanyang power para makipag-usap ng mata sa mata. Idagdag pa ang confidence na mahusay siya sa kanyang talento.

Kaya nga ang biro sa kanya sa isinagawang launching niya kamakailan sa Palm Grill Restaurant bilang talent ng ARTalent Management ni Doc Art Cruzada, idaan ang pagsagot sa kanta para mawala ang  pagkamahiyain.

Aminado si Doc Art na treasure ng ARTalent Management si Nic dahil sa husay at ganda ng boses nito. Kaya naman bago o pagkatapos ng kanyang concert sa August 11 sa Music Box na ididirehe ng kaibigang Obette Serrano ilulunsad muna ang  kanyang unang solo single at pagkaraan ay ang album. At ang mga awitin ay posibleng manggaling kay Vehnee Saturno at ang iba ay komposisyon mismo ni Nic.

Napag-alaman naming marami na ring naisulat na kanta si Nic noon pa man. Katunayan, kinanta na nito ang isa sa komposisyon niya noong unang ipakilala siya sa ilang entertainment press nang ilunsad ang ARTalent Management, ito ang Tayong Dalawa. 

Umaasa si Nic na maisasama niya sa kanyang album itong Tayong Dalawa.

Si Nic ay ipinanganak sa Tuguegarao, Cagayan noong August 24, 1998 at ang mga magulang niya ay sina Dr. Nicasio Galano Jr, at Dr. Vigilyn Alan-Agustin. Nag-aral ng elementarya si Nic sa Isabela Unified School sa Iligan City, sa Casa del Nino Montessori naman sa kanyang secondary at sa Feati University Theology ng kursong  Mass Communication.

Bago sumabak sa Idol Philippines Season 1 si Nic noong 2018, naging bahagi muna siya ng Aparri Bible Seminary at Lucky 9 boyband member. 

Malaki ang pasasalamat ni Nic sa pagkakuha sa kanya ng ARTalent Management. Aniya,  “Kay Doc Art na napakabait sa akin, thank you very much po. Marami po siyang plano hindi lang sa akin kundi sa iba pang artists ng ARTalent. Nagpapasalamat ako na napasama ako rito sa ARTalent. Naniniwala ako na matutulungan ako ni Doc Art sa aking music career. At matutulungan din niya ako sa aking physical appearance at personality.

Bukod sa pagkanta gusto ring subukan ni Nic ang pag-arte. Pero bago iyon, titiyakin muna ni Doc Art na makikilala ang isang Nic Galano sa music industry. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Winwyn Marquez

Winwyn plano ring sumabak sa politika

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI na kami nagtaka nang mabanggit minsan ni Winwyn Marquez nang …

Ronnie Liang

Ronnie pangarap maging presidente ng Pilipinas: kabi-kabila charity works

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang adbokasiya ni Ronnie Liang. Mula sa awiting Ngiti nabuo ang isang foundation …

Marco Gomez Paolo Gumabao Atty Topacio Spring In Prague

Marco Gomez maganda exposure sa pelikulang “Spring In Prague”, Paolo Gumabao saludo sa  produ na si Atty. Topacio 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGANDA ang exposure ni Marco Gomez sa pelikulang “Spring In …

PMPC

Bagong halal na opisyales ng PMPC nanumpa

RATED Rni Rommel Gonzales PINANGUNAHAN ng bagong halal na pangulo ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang …

Love Kryzl

Heart’s In Bloom ni Kryzl inilunsad

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAKAKA-LSS ang bagong inilunsad at ikaanim na single ni Love Kryzl, ang Heart’s …