Tuesday , April 30 2024
Sylvia Sanchez Jung-jae
Si Sylvia Sanchez at si Jung-jae ng Squid Game nang magkita sa Cannes 2022.

Sylvia hindi muna aarte magfo-focus sa pagpo-produce

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MARAMI ang nagtaka nang makita nang marami na nasa Cannes 2022 Film Festival kamakailan si Sylvia Sanchez. Marami ang nag-akala at nagtanong kung anong pelikula ba mayroon ang aktres na ilalaban  o ipalalabas.  Kasama kasi niya si dating Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chair Liza Dino-Seguerra. Nasa Cannes si Sylvia para magmatyag at at maghanap ng koneksiyon bilang producer.

Sa pakikipag-usap kay Sylvia kamakailan, ito agad ang aming nilinaw sa kanya. Ano ang ginawa niya sa Cannes?

Sagot ng magaling na aktres, “Gusto ko kasing mag-produce ng pelikula na papatok sa international. So, para magawa ko iyon, kailangan kong magpunta roon para malaman ko kung ano ang in o ‘yung tinatangkilik ngayon sa international. 

Naroon din ako para ibenta iyong pelikula ni Arjo na ‘Hey Joe,’” sambit ni Sylvia patungkol sa pelikula ni Arjo Atayde na Hey Joe kasama sina Joel Torre, Mon Confiado, at Nova Villa na idinirehe ni Avel Sunpongco.

“Kung papasukin ko kasi ang pagpo-prodyus, siyempre kailangan ko may knowledge ako sa kung ano ba ang iyong mga pelikulang mas maganda. Hindi naman pwede iyong basta-basta lang ako gagawa ng pelikula na hindi ko alam kung magugustuhan ba iyon o papatok sa manonood. “

Kaya nga nagpahinga muna si Sylvia sa paggawa ng serye dahil gusto niyang tutukan ang pagpo-produce para sa kanilang Nathan Studios. Katunayan, apat na pelikula na ang ginagawa nila. Dalawa ang pelikula ni Ria, ang X Factor at iyong Langit Lupa Impiyerno na parehong line produce ni Bianca Balbuena.

Iyong ‘X Factor’ kasama ni Ria sina Carlo Aquino at Jake Ejercito. Tapos ‘yung ‘Langit Lupa Impiyerno’ gagawin pa lang at makakasama niya rito sina Kokoy de Santos at Kyle Echarri,” kuwento pa ni Ibyang.

Bago ito’y naging abala si Sylvia sa pagtulong sa kandidatura ng kanyang panganay na ngayo’y Kongresista na ng District 1 ng Quezon City, si Arjo Atayde. Bagamat sobrang pagod, sulit ang inilaan nilang oras sa pakikisalamuha sa constituents ng District 1.

“Nakakapagod pero siyempre sobrang proud ako sa pagkapanalo ng anak ko. Sulit ang pagod namin. Talagang itong si Arjo kapag may ginusto, nakukuha niya. Bulls-eye talaga. Noong sinabi niyang gusto niyang maging artista, naging artista siya at hindi lang basta artista, naging magaling na artista siya na sa unang serye niya kinilala agad ang husay niya tapos sa unang movie nagka-award siya, tapos itong unang pagpasok niya sa politika, nanalo siya.

“Blessed talaga si Arjo kasi mabait siyang bata, hindi dahil sa anak ko siya kasi talagang nasa puso niya ang pagtulong. ‘Di ba nga sabi niya ayaw nyang maging politiko, gusto niyang maging public servant.”

At bago kami magtapos ng tsikahan, naikuwento rin ni Sylvia na tinulungan siya ni Liza sa Cannes para makilala ang ilang producer na posibleng maging collaborator nila sa mga gagawin nilang pelikula sa hinaharap.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Camille Villar Willie Revillame Manny Villar

Camille nananatiling kaibigan si Willie (lumipat man sa TV5)

I-FLEXni Jun Nardo LAYUNIN ni Congresswoman Camille Villar na makatulong sa film industry pati na rin sa …

Rita Daniela

Rita biniyayaan ng malusog na dibdib magpapabawas kaya?

I-FLEXni Jun Nardo WALANG planong magpabawas ng boobs ang Sparkle artist na si Rita Daniela kahit isa …

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Sikat na male star may pa-live show sa hotel, pwede pa ang ‘pasabog’ kung may dagdag

ni Ed de Leon NAGULAT kami nang sunduin ng isang kaibigan noong isang araw at …

Andres Muhlach Atasha Muhlach

Atasha natural na komedyante, Andres malakas ang dating

HATAWANni Ed de Leon NAGIGING natural na comedian si Atasha Muhlach simula nang mapasama sa Eat Bulaga. Marami …

Floy Quintos

Batikang direktor na si Floy Quintos pumanaw na

HATAWANni Ed de Leon NAGULAT din kami nang mabalita noong isang araw na namatay na …