RATED R
ni Rommel Gonzales
TINANONG namin ang Apoy Sa Langit male lead star na si Zoren Legaspi kung ano ang naging reaksiyon niya na nag-viral ang steamy lovescenes nila ni Lianne Valentin sa kanilang serye?
“We have no idea that it will go viral. More so, sa napakabilis ng pag-viral niya.”
Sa Apoy Sa Langit ay gumaganap si Zoren bilang si Cesar at mistress naman o kabit niya si Stella na ginagampanan naman ni Lianne.
Nasa cast din ng Apoy Sa Langit sina Maricel Laxa, Mikee Quintos, Mariz Ricketts, Carlos Siguion Reyna, Dave Bornea, Coleen Paz, Celine Fajardo, Patricia Ismael, at Mio Maranan.
Ang Apoy Sa Langit ay idinirehe ni Laurice Guillen.
Alam ng lahat kung gaano ka-faithful at ka-loyal na mister ni Zoren sa misis niyang si Carmina Villarroel, saan at paano niya iniaarte ang karakter niya sa Apoy Sa Langit bilang isang taksil na asawa?
“’Yan ang pangunahing trabaho ng artista, ang magkunwari.
“So ‘pag killer ang role dapat nakapatay ka?
“It boils down to creativity and fully understanding of the scenario,” sagot ni Zoren sa amin.
Sumagi ba sa isip ni Zoren na baka magselos si Carmina sa mga intimate na eksena nila ni Lianne? Pinag-uusapan ba nilang dalawa ni Carmina ang mga eksena ni Zoren sa serye?
“Never po,” simpleng sagot ni Zoren.