I-FLEX
ni Jun Nardo
FOOD trip at pasyal sa South Korea ang cast ng Running Man PH habang wala pang taping.
Ipinasilip ng Kapuso artist na si Kokoy de Santos sa kanyang Instagram ang food trip ng grupo at pamamasyal sa Itaewon.
Naging warm at hospitable ang SBS Korea sa pag-welcome kina Glaiza de Castro, Ruru Madrid, Lexi Gonzales, Kokoy, Angel Guardia, Buboy Villar, at host na si Mikael Daez.
Sa mismong set ng Running Man sa Korea ang taping ng Running Man PH na mapapanood sa GMA this year.