Friday , November 15 2024
drugs pot session arrest

4 kelot nasakote sa pot session

HULI as akto ang apat na hinihinalang drug personalities matapos maaktohang sumisinghot ng shabu sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Lt. Doddie Aguirre, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela City police ang naarestong mga suspek na sina Marde Tatunay, 53 anyos; Rexan Caridad, alyas Tiyanak, 46 anyos, helper; Marvin Garcia, 36 anyos, construction worker; at Ronald De Vera, alyas Wawi, 47 anyos, factory worker,  pawang residente sa Purok 4, Brgy. Mapulang Lupa sa nasabing lungsod.

Sa report ni P/Cpl.  Christopher Quiao kay Valenzuela City police chief P/Lt. Col. Aldrin Thompson, nagsagawa ng validation ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Lt. Aguirre kasunod ng natanggap na tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen hinggil sa nagaganap na illegal drug activities sa  nasabing lugar.

Dakong 11:20 pm, pagdating sa lugar ay naaktohan ng mga operatiba ang mga suspek na sumisinghot ng shabu sa loob ng isang bahay sa Purok 4 ng nasabing barangay na nagresulta sa pagkakaaresto sa apat na suspek.

Nakompiska sa mga suspek ang isang nakabukas na transparent plastic sachet, naglalaman ng isang gramo ng hinihinalang shabu, may standard drug price na P6,800 at ilang drug paraphernalia.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …