Thursday , June 4 2026
AJ Raval

AJ ‘di buntis, flat tummy ipinagmalaki

MA at PA
ni Rommel Placente

IBINANDERA ng sexy star na si AJ Raval sa kanyang Instagram account ang picture niya na nagpapakitang wala itong baby bump at flat ang tummy. Ito ay para pabulaanan ang lumalabas na balita na buntis siya, na ang sinasabing ama ng batang nasa sinapupunan niya ay ang rumored boyfriend na si Aljur Abrenica. Pero bago pa man ang IG post na ‘yun ni AJ, ay nauna na ring pabulaanan ng talent manager niya na si Jojo Veloso na buntis siya.

Ayon dito, may ginagawang pelikula  ang kanyang alaga na Sitio Diablo mula sa Viva Films,na pinagbibidahan nila ni Kiko Estrada. Isa itong action film. So kung

buntis aniya si AJ, ay hindi nito magagawa ang kanyang action scenes.

So, ayan, sa mga nagsasabing buntis si AJ, siguro naman ay matitigil na ang fake news na ito sa kanya. Malabo naman talagang magpabuntis siya dahil alam niyang masisira ang kanyang career kung mangyayari ‘yun. Isa pa naman siya ngayon sa pinakamaiiniit na sexy star sa bansa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …