Sunday , December 22 2024
Megakraken Swimming Team FINIS

Megakraken Swim Team hataw sa Visayas Leg ng FINIS

HUMIRIT ang Megakraken Swim Team ng kabuuang 591.5 puntos para masungkit ang overall team championship sa Visayas leg ng FINIS 2022 Short Course Swim Competition Series kamakailan sa University of Saint La Salle (USLS) swimming pool sa Bacolod City.

Pumangalawa ang Iloilo Tiger Shark Swim Team (395 points) at nakuha ng La Herencia Swim Club ang ikatlong puwesto (387.5 points) sa dalawang araw na event kung saan umakit ng 280 swimmers kabilang ang up-and-coming junior tankers at FINIS brand ambassadors na sina Alexi Kouzenye Cabayaran ng Santa Fe Crocs Swimming Team sa girls’ 15-16 age group at Kyla Soguilon ng Aklan Swimming Club sa girls’ 16-17 class.

“It was successful in a way, as per interviews with the parents and coaches, they considered it a well-organized event, with lots of swag for the swimmers and coaches never seen in other tournaments,” pahayag ni FINIS Philippines Managing Director Vince Garcia.

“The environment was festive, but with serious competitiveness, a far cry from the negativity of the lockdowns. The people were shouting non-stop, especially on the relays,” aniya.

Iginiit ni Garcia, isang beteranong triathlete, na bukod sa  pag-oorganisa ng torneo na kanilang inilunsad noong Abril sa ginanap na Manila leg sa Clark, tinutulungan nilang palakasin ang swimming grassroots program ng bansa at naglalayon na itaas ang antas ng kompetisyon sa mga tuntunin ng masayang kapaligiran at mga makabagong proseso.

Binigyang-diin niya na ipinakilala ng FINIS Philippines ang online registration sa pamamagitan ng RaceYaya sa komunidad  at  nasa mga gawain ng pagtatatag ng database para sa FINIS events record-holders at gold medalists para sa bawat (Luzon, Visayas, at Mindanao) leg bago magsimula ang Mindanao leg taglay ang meet records habang lahat sila ay nakikipagkumpitensya sa isa’t isa sa Finals.

“That would be a guide for the fast swimmers of Mindanao to see who’s the fastest in Luzon and the Visayas, and they want to make sure they can beat those times,”pahayag ni Garcia.

Bukod sa paghakot ng FINIS-designed crafty medals, ang nangungunang 16 finishers sa Luzon, Visayas, at Mindanao leg (pansamantalang nakatakda sa Hulyo 30-31) ay makakakuha ng mga slot sa National Finals, pansamantalang naka-iskedyul sa Setyembre ng taong ito sa New Clark City sa Tarlac.

Sinabi ni Garcia na bukod sa pag-aayos ng mga torneo, ang FINIS Philippines ay magsasagawa rin ng Open Water Swim Camp sa Hulyo 9-10 sa Paya Papagayo Beach Inn sa Olongapo City. Ito ay isang komprehensibong swim camp na pangangasiwaan ng American Swimming Coaches Association (ASCA)-certified coaches kabilang sina Garcia, Frank Lacson, Maritess Escobar, at Patrick Joson.

Nakikipagtambalan din ang FINIS sa 83rd Central Northern Luzon – CAR Swimming Coaches (CNLCSCA) Invitational Swim Series, gayundin sa 5150 Triathlons series sa Panglao Island sa Hulyo 10, sa Tagum City, Davao (September 4), at Subic Bay (October 23). 

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …