Saturday , November 16 2024
shabu drug arrest

Nasita  walang suot na face mask
2 MISTER, NAKUHANAN NG SHABU AT PATALIM SA VALE

DALAWANG mister ang kulungan ang kinasadlakan matapos makuhanan ng shabu at patalim makaraang masita ng pulisya dahil sa hindi pagsusuot ng face mask sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni PLt. Armando Delima, hepe ng Sub-Station 6 ng Valenzuela City police ang mga suspek na sina Richard Luis Sebastian alyas Bobby, 33 anyos, residente  ng #54 Dominga St., FB De Jesus, Nagkaisang Nayon, Novaliches, Quezon City at  Ruel Gabrentina, 45 anyos, butcher  at residente ng #54 Independence St. Brgy. Gen T. De Leon, ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat ni  PSSg Carlos Erasquin Jr, dakong  2:00 ng hapon, nagsasagawa ng anti-criminality patrol si PSMS Roberto Santillan at mga tanod ng Brgy. Malanday sa kahabaan ng M.H Del Pilar sa nasabing barangay nang makita nila ang mga suspek na nakatayo sa gilid ng kanilang motorsiklo at kapwa walang suot na face mask.

Dahil malinaw na paglabag ito sa ondinansa ng lungsod ay  agad na sinita ni PSMS Santillan ang dalawa subalit, nang lapitan niya para isyuhan ng ordinance violation receipt ay tumakbo ang mga ito.

Isang maikling habulan ang nangyari sa pagitan nina PSMS Santillan at  barangay tanod na si Francis Chuidian hanggang sa maaresto kung saan narekober sa kanila ang isang sling bag, dalawang transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nasa P20,400 ang halaga, disposable lighter, various identification cards, cellphone, dalawang fan knife at isang Kawasaki Barako Motorcycle (3740 UZ) na puno ang tangke ng gaas.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002, Art 151 of RPC, BP 6 (Illegal Possession of Deadly Weapon) in relation to Comelec Resolution Number 10728 (Ban on Carrying Deadly Weapon During Election Period).  (Rommel Sales)

About Rommel Sales

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …