HINDI hadlang ang pandemya upang isagawa ang hindi makakalimutang World Bicycle Day Celebration ngayong buwan.
Hinikayat ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang mga siklista na makiisa sa makabuluhang pagdiriwang ng World Bicycle Day na magbibigay ng lakas at magandang kalusugan sa katawan ng tao.
Magsisimula ang aktibidad ngayong araw, 1 Hunyo, para sa Taguig Bike Loop Challenge, habang sa 3 Hunyo ang pagdiriwang ng World Bike Day.
Isasagawa ang group ride sa 4 Hunyo, araw ng Sabado, ang Taguig bike trail sa 4-5 Hunyo, at safe street naman sa 5 Hunyo, araw ng Linggo.
Hinikayat ng lungsod ang lahat na lumahok sa pinakaaabangang kaganapan sa pagdiriwang ng World Bicycle Day celebration. (GINA GARCIA)