HANOI – Sinungkit ni Mary Francine Padios ang unang ginto ng Pilipinas sa paglarga ng 31st Southeast Asian Games nung Miyerkules sa women’s pencak silat seni (artistic or form) tunggal single event sa Bac Tu Lien Gymnasium.
Sa panalo ng 18-year-old na tubong Kalibo, Aklan ay inilagay ang Pilipinas sa medals table na simulang dominahin ng Vietnam isang araw bago ang opisyal na pagbubukas ng biennial multi-sport festival sa My Dinh National Stadium.
Sa panalo ni Padios ng ginto ay nag-imprub ang kanyang medal finish noong 2910 Philippine Games. Ang panalong iyon ay iniaalay niya sa kanyang ama na naging biktima ng car accident nung Christmas.
“My dad has become my inspiration after he figured in a terrible car accident on her way home in Aklan just before Christmas,” sabi ni Padios, na ang kanyang ama ay nananatiling nasa coma. “He was so exhausted and drowsy from work that he slept at the wheel and met with an accident.
“He’s been motivating me ever since,” sabi ni Padios, na ang naitalang iskor na 9,960 ay nasapawan ang llamadong si Arum Sari ng Indonesia na nagkasya sa silver na may 9,945 puntos
Ang Vietnam ay patuloy sa pagratsada sa medal standing at balak nilang talunin ang Philippines na nagkampeon sa nakaraang SEA Games. Meron silang 6 na ginto, 5 silver, at anim na bronze medals.
Ang Malaysia ay nakadikit sa Vietnam na may six-gold output, isang silver at apat na bronze. Sinusundan sila ng Indonesia (3-4-0 gold-silver-bronze), Singapore (1-3-3), at Thailand (1-2-3).