MATABIL
ni John Fontanilla
MALAKI ang pasasalamat at gustong ibalik ni Robin Padilla sa sambayanang Filipino ang pangunguna bilang senador. Hindi makapaniwala ang aktor na makapapasok siya sa Top 12 at magiging number one pa gayung wala siyang campaign funds.
Ayon sa actor, “Wala po akong inaasahan kahit ano. Unang-una, wala po akong kahit ano. Wala po akong makinarya, wala po akong kahit ano, pera. Wala. Hindi ko po inaasahan ito.
“Ang akin lamang po ay paninindigan. Ang akin lamang po ay nananalig po ako sa Panginoong Diyos at tulong-tulong lang po ng mga naniniwala sa akin.”
Dagdag pa nito, “Naniniwala po ako na ‘yung plataporma ko na charter change, ‘yung Federalismo, ‘yung pagbibigay ng kapangyarihan sa mga lalawigan, bigyan sila ng kalayaan, sila po ay makagagawa ng ayon sa kanilang kultura, tradisyon, kapaligiran, doon po ako naniniwala.
“Hindi po ako nangungumbinsi nang dahil kay Robin Padilla. Malabo pong mangyari,” giit pa ng aktor.