MATABIL
ni John Fontanilla
VERY honest at may ngiyi sa mga labi ang Kapamilya actor na si Zaijian Jaranilla nang ibinahagi ang kanyang buhay pag-ibig.
Sa media conference ng isang festival na kasali ang pinagbibidahang pelikula, ang Sana’y Nandito Ka ay ibinahagi nito ang ukol relasyon nila ni Gela Atayde.
“Okay naman po kami ni Gel. Masaya po kami, sobra.”
Dagdag pa nito sa tanong kung ilang taon na silang magkasintahan, “Isang taon at kalahati, mga ganoon po.
“Okay naman maging low-key, parang wala namang problema sa pagiging low-key po.
“Hindi naman po siya issue para sa akin dahil hindi ko alam bakit nagiging issue siya sa ibang tao, ganyan.
“Kasi ‘yung pagiging low-key, hindi naman ibig sabihin may itinatago ka or wala, ganoon lang kayo, ganoon lang kami talaga as a person.
“Dahil marami naman din paniguradong mga low-key na tao.
“Hindi naman kailangan lahat i-post sa social media na, ‘Ay, kami na nito.’Yung mga nagpapapansin ba.
“Tapos siguro, gusto ko na rin din kunin ‘yung pagkakataon para sabihin na kaya siguro parang ang big thing niyong pagka-hard launch sa atin dito sa kultura ng Pilipinas, dahil maraming mga taong mapanghusga.
“Parang natatakot ‘yung iba na magsalita or may… parang mayroon silang kung… mayroon silang gustong sabihin or proud sila sa isang tao na ganyan, tapos ‘yung ibang tao parang sobrang KJ [killjoy].
“Hindi nila ma-appreciate ‘yung kasiyahan ng ibang tao. Kaya, yeah, oo, ganoon po siguro.”
Ayon pa sa aktor, nais lang niyang maging pribado ang relasyon nila ni Gela.
Iginiit din ng aktor na hindi nila itinatago ang kanilang relasyon. Gusto lang nila na maging tahimik ang kanilang relasyon.
