McCoy de Leon VHS Viva Horror Stories

MATABIL
ni John Fontanilla

Dumalo sina Sarah Lahbati, McCoy de Leon, Kit Thompson, Sachzna Laparan, Ella Cruz at iba pang miyembro ng cast sa premiere night ng pelikulang VHS (Viva Horror Stories) na idinirehe ni Darryl Yap na ginanap sa SM Megamall Cinema.

Bahagi ang VHS ng taunang Halloween Horror Film Festival o ang Sine Sindak na exclusively ipinalalabas sa SM Cinema na magbabalik para sa ikapitong edisyon mula Oktubre 28 hanggang Nobyembre 3, 2026.

Ang VHS ang nag-iisang pelikulang Filipino na kabilang sa horror film lineup ng Sine Sindak ngayong taon.

Tatlong bagong Pinoy horror stories ang magsasama-sama sa iisang pelikula sa VHS! Isang movie, tatlong kuwentong tiyak susubok sa tapang at lakas ng loob mo.

Tama nga si Direk Daryl, na napakahusay ni McCoy bilang Daniel na may itinatago sa pagkatao sa isang episode, ang Spoiled kasama si Ella Cruz.

Mahusay din sina Sarah Lahbati at Kit Thompson saHilingepisode at Sachzna Laparan sa Dasal episode.

Grabe ang gulat factor ng pelikula, kaya naman sa mahihilig sa horror movie , ito ang para sa ‘yo showing na sa Oktubre 28 hanggang Nobyembre 3, 2026 bilang parte ng  Sine Sindak.