I-FLEX
ni Jun Nardo
NAGKUKUMAHOG ang mga pelikulang walang star value na maipalabas na dahil matapos ang Undas eh ang Dingdong Dantes-Marian Rivera movie na Remember ang malaking local movie na ilalabas.
May isa ring malaking foreign movie na inaabangan ng mga tao na ilalabas bago ang Metro Manila Film Festival.
Nabasa namin sa social media ang mga natapos na local films na nakalinyang ipalabas sa mga susunod na lingo.
Sad to say, walang box office appeal ang mga bida. Buti sana kung super ganda ang pelikula para magkaroon ng word of mouth.
November na next week. Nakatuon na sa Pasko ang utak ng mga tao kaya ang panonood ng sine eh hindi na first choice.
Ayaw na ng taong sayangin ang pera sa local films na hindi naman worth watching!
