Tuesday , February 3 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
NCRPO absentee voting election vote

3-araw local absentee voting matagumpay — NCRPO

NAGING matagumpay ang 3-araw local absentee voting sa National Capital Region Police Office (NCRPO)at ng National Support Units mula 27-29 Abril 2022, ayon kay NCRPO chief, P/MGen. Felipe Natividad.

Sa unang dalawang araw, may  kabuuang 1,984 men in blue ang bumoto, 137 ay mula sa Regional Headquarters (RHQ), 110 mula sa Northern Police District (NPD) , 142 mula sa Eastern Police District (EPD), 110 mula sa Manila Police District (MPD), 283 mula sa Southern Police District (SPD), 440 mula sa Quezon City Police District (QCPD), 18 mula sa Presidential PNP Security Force Unit (PPFSU) at 404 mula sa Regional Mobile Force Battalion (RMFB).

Habang kabuuang 340 ang bumoto mula sa National Support Units (NSUs), na ang 21 ay mula sa Police Security and Protection Group (PSPG); 28 mula sa PNP Air Unit; 56 PNP mula sa Aviation Security Group (AVSEG); 21 mula sa Regional Maritime Unit Maritime (RMU); 18 mula sa Special Operations Units (SOU) Maritime; 186 mula sa Special Action Force (SAF); 9 mula sa Regional Internal Affairs Service (RIAS) at isang mula sa Regional Field Unit (RFU).

Samantala, sa, 168 mula sa NCRPO at 117 personnel mula sa NSUs, may kabuuang 285 ang bumoto.

Nasa 96% o 2,269 ang nakaboto mula sa dapat na kabuuang 2,495. Hindi nakaboto ang nasa 146 o 6% dahil sa reassignment sa ibang mga lugar, maternity leave at ilang personal na dahilan.

“Now that our police personnel already voted for this noble purpose, we can assure an intensified deployment of personnel to safeguard our fellowmen and their sacred votes, secure our centers, and protect the integrity of the election day,” ani Natividad. (GINA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Arrest Shabu

Sa serye ng drug bust, P.9-M shabu nasabat

MULING nagtagumpay ang PRO3 sa kampanya kontra ilegal na droga matapos ang magkakasunod na buybust …

Bangkay ng nawawalang pulis natagpuan sa septic tank

Bangkay ng nawawalang pulis natagpuan sa septic tank

NAUWI sa isang malagim na pagkakatuklas ang paghahanap sa isang nawawalang miyembro ng Philippine National …

Alexis Castro Bulacan

Bise Gob. Castro, kinilala sa kanyang makataong pamumuno sa Golden Icons Awards

DAHIL sa kaniyang pagiging makatao at may paninindigang pamumuno, kinilala si Bise Gob. Alexis Castro …

Brian Poe Llamanzares FPJ Panday Bayanihan

Manigong Bagong Taon: Pamamahagi ng New Year Food Packs para sa mga kawani ng Legislative Security Bureau

QUEZON CITY — Sa patuloy na diwa ng malasakit at bayanihan, pinangunahan ni Cong. Brian …

NBI VACC

Estudyanteng Pinay na ginamit para sa extortion laban sa isang negosyante nagpasaklolo sa NBI

HUMINGI  ng saklolo sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isang 18-anyos estudyanteng   Pinay kasama …