Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Enzo Pineda Mickey Ferriols Atty Maria Angelica de Ramos

Pelikula ni Enzo unang sasabak sa mga sinehan

RATED R
ni Rommel Gonzales

BIDA si Enzo Pineda sa bagong pelikulang DOK na gumaganap siya bilang isang doctor na may inang dinapuan ng severe COVID.   

Ang DOK ay produced ng Donya Productions ni Atty. Maria Angelica de Ramos na siya ring direktor ng pelikula sa kanyang unang venture into film directing and producing. Ito ay base sa mga tunay na pangyayari sa buhay ni Atty. Angie at ng kanyang anak na doctor.

Ako po I’m just really thankful na ‘yung son ni Atty. Angie, si Doc Anthony, the real DOK, was there all throughout the film so I’m very blessed kasi hindi naman po ako nag-aral ng pagiging doktor pero I had the opportunity to somehow learn and feel what it’s like to be a doctor,” ani Enzo.

 Unang beses ni Enzo na gumanap bilang doctor sa pelikula.

Siyempre ako naman po bilang artista  gusto ko naman na accurate ‘yung pag-portray ko kasi siyempre kailangan nating iangat ‘yung quality ng  Filipino films.

“Kailangan ‘pag doktor ka kailangan lahat ng galaw mo, kilos, sinasabi mo, ay tama?” sambit pa ni Enzo.

Bukod kay Enzo bida rin sa pelikula si Mickey Ferriols.

Ipalalabas ngayong Miyerkoles, April 6, ang DOK at ito ang pinakaunang Filipino film na mapapanood sa mga sinehan ngayong 2022.

Ako po I feel very lucky just to be working. Isa po ito sa mga pelikulang unang tinanggap ko, isa po ito sa mga unang trabaho ko during the pandemic, of course it was difficult for all of us kasi we have to leave our families, may COVID, pero we felt that ito pong istorya na ‘to kailangan po naming i-shoot at ipakita po sa taumbayan kasi very inspiring po ang film na ‘to,” anang aktor.

Tampok din sa pelikula sina LM Mercado, Sawera Akhtar, Aryan Akhtar, Potchi Angeles, Nics Orense, Carl Acosta, Johnessa Belen, Sylvia Manansala, Charles Anoyo, Christian Villanueva, Celine Castillo, Rey Mark Claret, Jake Piedad, Kyle Almenanza, Monica Bianca, Sheryl Surara, Shobee de Vera, Jigzer Narag, Lanze Galope, at Rob Sy.

Introducing naman sa pelikula si Maria de Ramos at may special appearance si Dr. Anthony Philip Villalon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Miles Poblete Pilar Pilapil

Miles Poblete idolo sa pagkokontrabida si Pilar Pilapil

MATABILni John Fontanilla THANKFUL ang singer and actress na si Miles Poblete sa Dragon Productions nina Bambbi Fuentesat Tine Areola dahil isinama …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …