Sunday , January 12 2025
Bulacan Police PNP

Sa isang linggong SACLEO sa Bulacan
P.601-M DROGA NASABAT, 369 LAW OFFENDERS HOYO

NASAMSAM ang may kabuuang P601,000 halaga ng ilegal na droga at nasakoe ang 369 law offenders sa isinagawang isang linggong Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Unit (SACLEO) ng mga tauhan ng Bulacan PPO mula 21-27 Marso 2022.

Batay sa ulat na isinumite kay P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan PPO, nakompiska ang P601,650 halaga ng ilegal na droga sa serye ng anti-illegal drug operations na ikinasa ng pinagsama-samang pagsisikap ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng police stations, mga elemento ng PMFC, at PIU ng Bulacan PPO.

Nagresulta ito sa pagkakadakip ng 101 drug suspects at pagkakakompiska ng 282 pakete ng hinihinalang shabu, tumitimbang ng halos sa 80.77

gramo; at 37 pakete ng hinihinalang tuyong dahon ng marijuana, timbang na 404.96 gramo; sari-saring drug paraphernalia; at buy bust money.

Samantala, naaresto ang 31 most wanted persons at 111 iba pang may paglabag sa batas sa iba’t ibang manhunt operations sa bisa ng warrants of arrest na isinilbi ng tracker team ng mga police stations at Mobile Force Companies ng Bulacan PPO, katuwang ang 301st MC RMFB-3, Bulacan PHPT, 24th Special Action Company (SAF), 3rd SOU-Maritime Group, at CIDG Bulacan.

Gayondin, tiklo ang 111 katao sa magkakahiwalay na anti-illegal gambling operations na naaktohan ang mga suspek sa pagsusugal ng tong-its, pusoy, bet game, billiard games, cara y cruz, mah-jong, tupada at STL bookies.

Nagbunga ang inilatag na “Oplan Katok” ng 87 baril, pawang isinuko sa iba’t ibang police stations sa lalawigan para sa pag-iingat, habang nakompiska ang 22 baril kaugnay sa paglabag sa Omnibus Election Code at ilegal na pag-iingat ng mga hindi nakarehistrong armas.

Na-impound rin ang kabuuang 1,732 hindi nakarehistro at walang dokumentong mga motorsiklo para sa pag-iingat at beripikasyon.

Ang malinaw na tagumpay ng Bulacan PPO sa SACLEO ay paghahayag ng walang tigil na pagsisikap sa kampanya nito laban sa wanted persons, ilegal na droga, loose firearms, ilegal na sugal at iba pang ilegal na gawain. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Garahe nasunog BUS NATUPOK MEKANIKO SUGATAN

Garahe nasunog
7 BUS NATUPOK MEKANIKO SUGATAN

HATAW News Team PITONG BUS ang natupok habang sugatan ang isang mekaniko nang sumiklab ang …

Rank no 9 MWP ng Laguna arestado

Rank no. 9 MWP ng Laguna arestado

NADAKIP ang lalaking nakatalang pangsiyam na most wanted person sa provincial level sa isinagawang joint …

Arrest Shabu

3 high-value drug pusher sa Pampanga tiklo P.68-M shabu nasabat

NASAKOTE ng mga awtoridad ang tatlong nakatalang high-value individuals (HVI) at nasamsam ang tinatayang 100 …

Sa anti-crime drive ng Bulacan PNP 17 TIMBOG, P80-K DROGA NASABAT

Sa anti-crime drive ng Bulacan PNP
17 TIMBOG, P80-K DROGA NASABAT

ARESTADO ang 17 indibiduwal na binubuo ng pitong personalidad sa droga, pitong wanted na kriminal, …

4 NBI employees, 7 fixers inaresto sa NBI clearance center

4 NBI employees, 7 fixers inaresto sa NBI clearance center

ALINSUNOD sa atas ni National Bureau of Investigation (NBI) Director (ret) Judge Jaime B. Santiago …