Friday , January 3 2025
The Company

Galing ng The CompanY ipinakitang muli sa Gitna 

MULING pinatunayan ng The CompanY ang kanilang musical versatility sa bagong album na Gitna,  isang koleksiyon ng mga awiting tumatalakay sa iba’t ibang tema ng pag-ibig at ibinibida ang natatanging galing sa vocal harmony ng grupo.

Ito na ang ika-29 album ng The CompanY na kinabibilangan nina Annie Quintos, OJ Mariano, Moy Ortiz, atSweet Plantado at ang unang album na inilabas nila sa ilalim ng Star Music ng ABS-CBN. Maririnig dito ang pag-explore ng grupo gamit ang mga modernong estilo ng musika at iba’t ibang genre gaya ng pop, jazz, electronica, dance, at acoustic folk.

Ang pamagat ng album na Gitna ay siya ring titulo ng key track nito at sumisimbulo sa ‘core’ ng grupo sa harap ng mga pagbabago at kaguluhan sa musika at buhay.

Sa virtual album launch, sinabi ni Sweet na pinili nila ang Gitna bilang key track dahil kakaiba. “Marami kaming pinili from the Star Music catalogue pero rito kami nag-zoom in kasi it’s not the usual love story, paggamit ng salita, and ‘yung marriage ng lyrics and melody iba. Tapos Moy had this idea na gawin siyang duet, so noong ibinigay siya sa amin ni OJ, siyempre nag-iba ‘yung kulay.”

Bukod sa Gitna na isinulat ni Davey Langit, kasama sa 10-track album ang mga nauna nang ini-release na kantang Sumakabilang Puso, Sang Tawag Mo Lang, Disco Plantito, Disco Plantita, Sa May Bintana, at Walang Sayang. Kabilang din dito ang  Kumusta Ka na isinulat ni Rey ValeraHideaway na isinulat ni Maestro Ryan CayabyabSukob Na na isinulat nina Mortiz Edgar Frasco at Flores Alexeeb, at Ambon na isinulat ni Nica Del Rosario.

Dahil multi-talented ang mga miyembro ng The CompanY, nagsilbi ring vocal arranger para sa lahat ng kanta si Moy at tumulong din sa pagprodyus ng ilang awitin sa album.

Nang tanungin sa mga challenge na kinaharap nila sa paggawa ng album na tampok ang mga beterano at baguhang manunulat ng kanta, ani Moy, “‘Yung kanta kasi ng new generation songwriters, ‘yung pag-compose nila ng music ngayon hindi na formulaic—hindi mo alam saan papunta ‘yung structure and melody at makikita niyo ‘yan sa ‘Gitna.’”

Samantala, inilabas na rin sa YouTube ang isang mini documentary na sumesentro sa pagbuo ng album.

Noong Hulyo 1985 nang binuo ang The CompanY ng alumni ng Ateneo College Glee Club. Nagsimula sila bilang back-up vocalists ng pop stars noong ‘80s bago naging mga propesyonal na recording artists. Ngayon, kilala na sila bilang premier vocal harmony act sa Asia at may pinakamaraming parangal na natanggap sa Pilipinas. Nakasama na nilang mag-perform ang ilan sa mga bigating mang-aawit gaya ng The Manhattan Transfer, Jim Brickman, Michael Buble, Noel Pointer, John Ford Coley, at marami pang iba.

Pakinggan ang bagong album ng The CompanY na Gitna sa iba’t ibang digital music platforms at abangan ang music video nito ngayong Biyernes (Marso 25), 8:00 p.m. sa YouTube channel ng Star Music.

About hataw tabloid

Check Also

Rozz Daniels

Rozz Daniels,  ire-revive kantang “Ibang-Iba Ka Na” ni Renz Verano

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PATULOY ang paghataw ng singing career ng US-based Pinay singer …

MMFF50 Topakk Uninvited

‘Uninvited’ at ‘Topakk’, parehong must-watch-movies sa MMFF50

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAPANOOD namin pareho ang mga pelikulang ‘Uninvited’ at ‘Topakk’ last …

Aga Muhlach Uninvited

Aga mapapamura ka sa galing

RATED Rni Rommel Gonzales NAIMBITAHAN kami ng Mentorque Productions, thru colleague Reggee Bonoan sa block screening for the …

Arjo Atayde Aga Muhlach Dennis Trillo Piolo Pascual

Arjo maile-level na kina Aga, Dennis, at Piolo

RATED Rni Rommel Gonzales BATANG paslit pa lamang si Arjo Atayde ay kilala na namin siya at …

Rosh Barman

Rosh nagpapasalamat sa Nathan Studios

MATABILni John Fontanilla ISANG malaking karangalan para sa aktor na si Rosh Barman ang makasama sa  pelikulang Topakk na …