I-FLEX
ni Jun Nardo
SUMABAK na rin sa Tiktok craze ang Regal producer na si Mother Lily Monteverde.
Naka-post sa Instagram ni Mother ang video niya sa Tiktok na nagsasayaw matapos pumirma ng kontrata ang latest Regal baby na si Rob Gomez. Anak ng dating artista na si Kate Gomez si Rob pero mas piniling gamitin ang apelyido ang ina na Gomez kaysa ama na bahagi ng showbiz Estrada clan.
Kasamang nagsayaw ni Mother ang anak na si Roselle, daughter in law na asawa ni Dondon Monteverde, Rob at isa pa na hindi namin kilala sa kantang Paro-Paro G.
Sa edad na 80 plus, malakas pa rin at malinaw ang isip ni Mother Lily!