SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
TIYAK na marami ang mapapa-wow dahil mula kina Alma Concepcion hanggang kina Sylvia Sanchez, Marian Rivera at iba pang naglalakihang pangalan sa showbiz na ambassador ng Beautederm, isang Korean actor naman ang gugulat para mag-endoso ng mga produkto ni Rhea Tan ng Beautederm.
Ito ang napag-alaman namin nang mag-overnight ang Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa kanyang AK Guest House sa Angeles, Pampanga.
At habang nakikipagkuwentuhan kami sa CEO at presidente ng Beautederm nasabi nitong ang next target niya para maging ambassador ng kanyang produkto ay isang Korean actor.
Hindi pa lamang nito nasabi kung sino dahil namimili pa siya.
Naikuwento rin ni Tan na malapit nang pasinayaan ang ipinatatayo niyang BD Corporate Office sa Angeles, Pampanga. “By May magkikita-kita uli tayo, sa grand opening nitong dugo’t pawis na ipinuhunan ko sa pagpapatayo nitong building ko,” panimula ni Tan habang sakay kami ng kanyang coaster dahil inililibot niya kami sa mga nabili niyang ari-arian.
Ani Tan, ang BD Corporate Office na 7 storey ay ang biggest beautehub clinic kung ikokompara sa mga clinic sa Manila. Ang building ay nakatayo sa 1,000sq/m, may underground parking at matatagpuan dito ang lahat ng negosyo niya.
“Bale 2 storey ang beautehub clinic dahil 20 rooms at bawat room may banyo, lababo, dining, parang condo per clinic. Andyan din ang A-List Avenue na 2 storey din for my signature bags, clothes etc., at ang dream kong coffee shop na tatawaging Beaute Beanery, mahilig kasi tayong magkape. Sa taas may function hall overlooking buong Angeles. May roofdeck na maganda na pwedeng mag-event at may studio rin na may VIP rooms,” masayang pagbabahagi ni Tan na mula sa isang pagiging vice president noon ng isang appliance center, ngayon ay may-ari at presidente ng sikat na sikat na Beautederm.
“Ginastusan ko lahat ang buong loob niyan (building), parang five star hotel ang hitsura niya, dahil pinsan namin ang gumagawa ng mga naglalakihang hotel na siya ring gumagawa ng building ko.
“‘Pag punta mo riyan I make sure na Instagramable ang every corner ng coffee shop ko and ‘yung clinic namin,” sambit pa ni Tan na mula sa puhunang P3,500 eh hindi akalaing lalaki ang negosyong sinimulan noong 2016.
Hindi nakapagtatakang maraming blessings na natatanggap si Tan dahil malaki rin ang puso niya sa pagtulong. Karamihan nga ng mga kasama niya sa appliance center na pinagtrabahuan niya noon ay sumama sa kanya—mula sa janitor, guard, finance officer at iba pa. Kaya naman ngayon, 96 na ang kanyang staff (at 100 naman ang kanyang store) na pinatitira niya sa 19 bahay na nabili niya sa kanilang subdivision. Wala pa riyan ang dalawang staff niya na binigyan ng pabahay at kotse.
At kung maraming negosyo ang naapektuhan ngayong pandemic lalo na noong nag-lock-down, hindi apektado si Ms Rhea. Bagkus parang umulan pa ng blessings.
“Nakarami ako ng bahay noong pandemic, 19 houses. Hindi ako naghahangad ng malaki, ‘yung sakto lang, kaso umaapaw ‘yung ibinibigay ni Lord.
“Dito ako nag-umpisa nag-clinic-clinic, ‘yung Beautehaus na buhay pa till now. Sabi ko ko laruan ko lang ‘yang clinic kasi mahilig ako magpa-clinic kasi mahilig akong magpapayat. Eh sa awa ng Diyos, dahil exclusive, riyan pa lang buhay na po kami,” sambit pa ng Beautederm owner.
Malaki rin ang pagpapahalaga ni Tan sa kanyang mga empleado kaya naman mahal din siya ng mga ito kahit may mga naging pasaway din. “Without them I can’t do it by myself. My times na pwedeng bonding-banding, sabay-sabay kami magpa-petix-petix,” kuwento pa ni Tan na may pa-scholar din siya sa mga anak ng kanyang mga empleado.
At ang pinaka-sikreto ni Tan sa kanyang tagumpay ay ang laging ‘di paglimot sa Itaas. “Ipinagdarasal ko lahat-lahat at siyempre, kung ano ang mayroon ako, isini-share ko rin. Mahalaga rin na magbahagi tayo sa mga taong tapat at loyal sa atin.”
Beautederm ni Rhea Tan Korean actor ang next endorser
TIYAK na marami ang mapapa-wow dahil mula kina Alma Concepcion hanggang kina Sylvia Sanchez, Marian Rivera at iba pang naglalakihang pangalan sa showbiz na ambassador ng Beautederm, isang Korean actor naman ang gugulat para mag-endoso ng mga produkto ni Rhea Tan ng Beautederm.
Ito ang napag-alaman namin nang mag-overnight ang Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa kanyang AK Guest House sa Angeles, Pampanga.
At habang nakikipagkuwentuhan kami sa CEO at presidente ng Beautederm nasabi nitong ang next target niya para maging ambassador ng kanyang produkto ay isang Korean actor.
Hindi pa lamang nito nasabi kung sino dahil namimili pa siya.
Naikuwento rin ni Tan na malapit nang pasinayaan ang ipinatatayo niyang BD Corporate Office sa Angeles, Pampanga. “By May magkikita-kita uli tayo, sa grand opening nitong dugo’t pawis na ipinuhunan ko sa pagpapatayo nitong building ko,” panimula ni Tan habang sakay kami ng kanyang coaster dahil inililibot niya kami sa mga nabili niyang ari-arian.
Ani Tan, ang BD Corporate Office na 7 storey ay ang biggest beautehub clinic kung ikokompara sa mga clinic sa Manila. Ang building ay nakatayo sa 1,000sq/m, may underground parking at matatagpuan dito ang lahat ng negosyo niya.
“Bale 2 storey ang beautehub clinic dahil 20 rooms at bawat room may banyo, lababo, dining, parang condo per clinic. Andyan din ang A-List Avenue na 2 storey din for my signature bags, clothes etc., at ang dream kong coffee shop na tatawaging Beaute Beanery, mahilig kasi tayong magkape. Sa taas may function hall overlooking buong Angeles. May roofdeck na maganda na pwedeng mag-event at may studio rin na may VIP rooms,” masayang pagbabahagi ni Tan na mula sa isang pagiging vice president noon ng isang appliance center, ngayon ay may-ari at presidente ng sikat na sikat na Beautederm.
“Ginastusan ko lahat ang buong loob niyan (building), parang five star hotel ang hitsura niya, dahil pinsan namin ang gumagawa ng mga Marriot Hotel na siya ring gumagawa ng building ko.