Thursday , May 26 2022
Nadine Lustre

Nadine nanibago sa muling pagharap sa kamera

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

DREAM come true para kay Nadine Lustre na makatrabaho si Direk Yam Laranas. Kaya naman sa pagbabalik niya sa pag-arte makalipas ang halos tatlong taong pamamahinga, hindi itinago ng aktres ang excitement dahil ang direktor ang namahala  bago niyang pelikula sa Viva Films, ang Greed.

Ang Greed ang comeback movie ni Nadine sa Viva Films katambal si Diego Loyzaga.

Gustong-gusto ko ‘yung ‘Aurora’ ni Direk Yam. That’s one of my favorite films of Direk Yam. I know he likes thinking out of the box. He’s very adventurous with his scripts and his stories.

“When Boss Vic (del Rosario ng Viva) and Direk Yam pitched this ‘Greed’ project to me, sobrang na-excite ako. Ang saya ko rin. Finally, the project is no longer romantic-comedy or drama. Horror-thriller ang ‘Greed,’ so very exciting din for me,” lahad ni Nadine sa isinagawang virtual mediacon.

Inamin ni Nadine na medyo nanibago siya sa pagbabalik-pag-arte. ”Hindi ako humaharap sa camera, so there were times na nag-shoot kami lately, hindi ko na alam kung paano ako magpo-pose or mag-smile.

“Back to zero ang skills ko kasi nga, ang tagal kong hindi nagtrabaho. Nanibago ako. Although nag-music ako pero iba naman kasi ‘yung experience roon.

“Whenever I acted with Direk Yam for this film, ang feeling ko may kulang or may mali. Sobrang nakaka­panibago. Eventually, natama ko with the help of Direk Yam and my co-actors,” kuwento pa ni Nadine.

Hindi naman siya nahirapang makipagtrabaho kay Diego kahit first time nilang magsama sa pelikula. 

“Magkakilala na kami ni Diego, pero hindi naman kami close ever since. Rito lang sa ‘Greed’ talaga kami nakapag-bonding, naging friends pretty much and got to know each other better. He was super easy to work with.”

Proud si Nadine sa Greed dahil sa ganda ng kuwento, “Naisip ko sa sarili ko, this is really happening finally.

“Something that is not rom-com or not drama. It’s very bloody and violent. Walang censor si Direk Yam. He does everything and anything for art,” sabi pa ni Nadine na mapapanood ang Greed simula March 16 sa Vivamax Plus.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Running Man

Bagong reality show mula South Korea aarangkada na

I-FLEXni Jun Nardo WALA nang urungan ang pag-ere ng biggest reality game show sa South …

Kylie Padilla Bolera

Kylie perfect comeback ang Bolera 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG nadamang pressure at confident si Kylie Padilla sa comeback teleserye niya sa primetime …

Blind Item, Man Leaving Sad Woman, magandang aktres

Male star kompirmadong gurl

HATAWANni Ed de Leon “KUNG hindi siya bading, bakit siya ‘nag-land of the morning’ noong …

Joshua Garcia Trina Guytingco

Joshua nilinaw ‘di niya syota si Trina Guytingco

HATAWANni Ed de Leon NILINAW ni Joshua Garcia na hindi niya syota kundi tinukso lang sila ni Trina …

Angeli Khang Sharon Cuneta

Sorry Sharon mas feel na ng netizens si Angeli Khang

HATAWANni Ed de Leon MARAMING observers ang nagsasabi, iyon daw nakaraang eleksiyon ay sobrang maraming …