Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Suporta ni Daniel kay VP Leni trending; Dalaga ni Robrero kinilig

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MATAPOS mag-trending ni Daniel Padilla nang magpahayag nang suporta kay presidential candidate Vice President Leni Robredo, pinag-uusapan naman ngayon ang pagkakilig ng mga dalaga ni Robredo.

Isinapubliko ni Daniel ang suporta niya kay VP Leni nang magpa-picture sila ni director Mandy Reyes sa tabi ng campaign poster for presidential candidate ni VP Leni noong March 9.

Nakasandal kapwa sina Daniel at Reyes sa isang sasakyang may poster na  “#10 Robredo” na ibinahagi sa kanyang Facebook account ng direktor.  

“Aba ewan ko sa inyo. Basta kay #LiderLeni kami ng tropa kong gangster,” sambit sa caption ni Reyes. 

Hindi ito ang unang beses na nagpahayag ng suporta ni Daniel kay VP Leni, taong 2016 nang suportahan nila ng kanyang reel at real partner na si Kathryn Bernardo ang pagtakbo bilang vice president ni Robredo.

Sa kabilang banda, hidi naman itinago ang pagkakilig ng Robredo sister sa  trending picture ng aktor na kasama ang campaign poster ng kanilang ina.

Ibinuking ni Aika Robredo, panganay ni VP Leni, na ang bunsong kapatid nilang si Jillian ang masugid na tagahanga ni Daniel.

“Ako ‘yung nakita sa picture kaya sinend ko kaagad kay Jillian kasi si Jillian ‘yung sobrang fan na fan ni Daniel Padilla at alam kong sobrang matutuwa siya kapag makita niya ‘yun kaya lang tulog pa siya no’ng sinend ko so hinihintay ko siyang gumising para malaman ‘yung reaksiyon niya. Pero una kong naisip ‘yung kapatid ko kasi sigurado akong matutuwa ‘yon,” pagbabahagi ni Aika sa interbyu sa kanya ng Sa Totoo Lang sa One PH.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …