Tuesday , November 12 2024
Alfred Vargas PM Vargas

Alfred tatay, nanay, kuya, kaibigan kay PM

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

VERY close ang aktor na si Alfred kay PM Vargas dahil bukod sa magkapatid, iisa lang ang kuwarto nila.

Ayon kay Congressional aspirant for District 5 Patrick Michael o PM, dalawang taon lang ang pagitan nila ng aktor/politician na si Alfred. 

Dalawang taon lang ang pagitan namin kaya medyo magka-henerasyon. Iisa lang ang kuwarto at pareho kami ng kaibigan at kabarkada,” pagkukuwento ni PM ukol sa kapatid.

Pagtatapat ng tumatakbong kongresista ng Distrito 5, “Kapag kailangan ng kaibigan nagiging kaibigan si Kuya. Kung kailangan mo ng tatay nagiging tatay siya. Kung nanay, nagiging nanay din. Kaya talagang malaking bagay ‘yun na mayroon kang kapatid na pwedeng maging tatay, nanay, at kaibigan.”

Iginiit pa ni PM na proud siya kay Alfred. “Proud ako sa ginagawa naming trabaho (pagtulong sa kapwa) ng kapatid ko. Ang sarap din na may ka-batch ka kasama sa mga importanteng ganap sa buhay.”

Ipinagtapat pa ni PM na kung minsan ay may kahigpitan din si Alfred. At aminado naman dito ang aktor. Aniya, “Totoo minsan pinagagalitan ko siya noon pero ngayon usap-usap na lang. Nadadala sa tamang pag-uusap.”

Pero hindi naman pasaway si PM, kuwento ni Alfred, “laking Sta Maria, Bulacan kami na nag-aral sa Ateneo at every weekends at childhood lagi kaming magkasama. Naalala ko pa noon kapag naglalaro kami ng taguan, hirap si PM kasi may kalakihan siya. Pero kapag ako siyempre ang taya, hindi ko siya pino-pong ha ha ha.” 

Sinabi pa ni Alfred na mahalaga ang komunikasyon at pakikinig na siyang pina-praktis nilang mag-utol. “Nakikinig kami sa isa’t isa ‘yun ang importante. Kaya siguro maganda ang samahan namin.”

Samantala, hindi naman kinakabahan si PM na sikat na personalidad ang makakabangga niya sa district 5. Aniya, “Ang turo lang sa akin, gawin lang ang dapat gawin. Iba na ang panahon ngayon, na ang mga botante namimili talaga ng dapat nilang iboto. And with the guidance of Mayor Joy Belmonte at ng aking Kuya Alfred alam kong magagawa ko ng tama ang aking trabaho bilang mambabatas kapag nahalal ako. 

“Gumawa ng batas ang pinakatrabaho ko at makatulong. And welcome naman lahat ng gustong makapaglingkod,” giit pa ng bunsong kapatid ni Alfred.

Very proud si Alfred kay PM. “Very proud ako sa brother ko and ‘yung nagsasabi na masipag ako, mas masipag pa siya sa akin. ‘Yung nagsasabing mahusay ako, mas mahusay siya at sa nagsasabing matulungin ako, mas matulungin siya at alam ko at tiyak ako na district 5 is in good hands in the person of my brother.” 

Muli, iginiit ng magkapatid na Alfred at PM na, “Naka-focus lang kami lagi sa mas sinserong pagtulong.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Candle

Pakikiramay sa pagyao ng ina ni VM Yul

NAIS nga pala naming ipaabot ang aming pakikiramay sa pagyao ng ina ng aktor at …

Daniel Padilla

Daniel madalas hanapan ng mali, pagsusuot ng Indian head dress binanatan

HATAWANni Ed de Leon BINABANATAN na naman nila si Daniel Padilla, nagsuot pa raw ng head …

Ai Ai de las Alas

Ai Ai bibigyang linaw totoong dahilan hiwalayan nila ni Gerald  

HATAWANni Ed de Leon HINDI pa man umaamin si Ai Ai de las Alas na hiwalay na …

Andres Muhlach Mutya ng Section E

Andres no time muna sa girls, excited sa pag-arte

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ANO kaya ang reaksiyon ng mga magulang nina Andre Yllana at Andres Muhlach sa …

Ken Chan Atty Joseph Noel Estrada

Ken Chan bigong nahainan ng warrant of arrest

SUMUGOD ang members of the media sa bahay ni Ken Chan sa Quezon City para i-cover ang …