HARD TALK
ni Pilar Mateo
BUKO ang 24 oras na pay TV Channel sa Cignal TV. Pinaikli siyang Bukay Komedya na pag-aari ng MediaQuest Holdings, Inc. sa pakikipagtulungan sa APT Entertainment.
Naka-isang season na ang Maine Goals ni Maine Mendoza kasama sina Chammy at Chichirita sa kanilang travel and lifestyle show. Na marami raw pagbabagong ipakikita sa Season 2 this month of March.
Aliw nga si Maine sa kanilang show dahil hindi niya akalain na marami siyang mga bagay at hamon na inakala noon na hindi magagawa pero ngayon ay hindi na naging imposible sa kanya.
Sa simula nagkakahiyaan sila ng mga kasama niya sa programa but as the days went on, naging very open na sila even with their imperfections and flaws na kaagad nilang naiaayos.
Isa pang palabas na aabangan sa BuKo Channel ay ang Kusina ni Mamang top-billed by ace comedienne Pokwang with DJ JaiHo as her assistant.
Matagal na itong kinagigiliwan lalo na ng mga Mommies at kababaihan dahil sa recipes na inihahain kada espisode.
Mga lutong sabi nga ni JaiHo eh, mula sa dibdib o puso ni Mamang na nagisnan na nito at natutunan sa personal na buhay.
Kung mayroon silang pangarap pang maging panauhin sa palabas nila na nagpapakita ng kultura at tradisyon sa sari-saring rehiyon ng bansa, ‘yun eh sina Papa P (Piolo Pascual) o Angelica Panganiban, pati na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Natutuwa nga si DJ JaiHo at ang iba pang palabas dahil tila nagsasanib-puwersa ang sari-saring networks sa pagpapahiram ng kanilang mga artist sa naturang mga palabas.
Ang ikatlo pang programang siguradong papatok ay ang BalitaONEnan na magtatampok sa brainy na si Alex Calleja, comic Wally Bayola, witty Kalad Karen, at ang hahawak as director with a brilliant mind na si John Lapus.
Kung nakaabot kayo sa palabas na gaya ng Sic O’Clock News noon at kapanabayan na mga temang may sangkap na satiriko, ngayon sasabay naman sila sa ikot ng social media sa paghahatid ng mga balitang magde-detoxify sa mga unang news shows na mapapanood natin. Gabi-gabi ito.
Mula sa iba’t ibang networks ang sanib-puwersa ngayon sa mga palabas sa BuKo Channel.
So, it feels good!