Saturday , April 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Dino Abellana

Dino Abellana gustong makagawa ng pangalan sa music industry

HARD TALK
ni Pilar Mateo

LIMA silang Abellana. Puro lalaki. Lahat gifted ng magagandang tinig para umawit.

Dumating naman ang panahon na nakilala sila sa nasabing larangan pero sa paglipas ng panahon, iginiya pa rin sila ng iba’t ibang direksiyon.

Bunso si Dino Abellana. Pero maliit pa lang siya nang magkaroon siya ng album sa ilalim ng G.O.I Records.Panay din ang sali niya sa singing contest.

Three years ago nga sa Tawag ng Tanghalam sa It’s Showtime na napabilib niya ang isa sa huradong si Ogie Alcasid.

Bago pa man umalagwa si Dino sa pagkanta, nagsimula na ang mga kuya niya. Sina Kuya Rey, Kuya Martin, Kuya Noli na sana ang papalit sa trono ng APO Hiking Society dahil napansin na sila ni Jim Paredes that time.

Pero may ibang plano ang tadhana for them. Si Noli for the longest time eh, nanirahan na sa Japan. Si Martin naman, dahil sa health reasons ay sa bahay na lang nananahan. At si Dino na tinamaan ng Addison’s Disease ang nag-aalaga  katuwang si Jojo.

Sina Rey at Jojo ang abala sa showbiz.

Si Dino does his thing with gigs left and right kasama ang kanyang tropa na mahihilig din sa musika. He has been supporting the 4th generation ng Hagibis with shows here and there. Also actor and singer Marlon Mance.

Ginagalugad nila ang iba’t ibang music venues para magtanghal-whether events ng reunion, debut, get-together.

Dino is thankful sa suporta ng kanyang mga kaibigang sina Roger Vargas , Panch Esmino, Rizaldy Sabado, Jun Torres, at marami pa. They have been doing business together din all these years. At nagsasama-sama sa pag-iikot sa iba’t ibang lugar with their big bikes.

Dino is hopeful na one of these days, may maka-appreciate na rin sa taglay niyang tinig. Solo man o kasalo ang mga kapatid at mga kaibigan. Na hindi pa siya napag-iiwanan ng panahon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Eddie Bong Soriano The Bravest Knight

Pinoy animator nominado sa 2026 Canadian Screen Awards

ISA na namang Pinoy animation artist ang kinilala sa global entertainment stage. Dahil sa galing …

Beautéderm Rhea Tan namahagi ng tulong delivery riders tricycle drivers

Beautéderm CEO na si Rhea Tan, namahagi ng tulong sa 200 delivery riders at tricycle drivers 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NABIYAYAAN ang 200 delivery riders at tricycle drivers ng mga …

Sofia Pablo Allen Ansay Marco Masa Charlie Fleming Michael Sager Kira Balinger Josh Ford Sean Lucas Anthony Constantino

Sofia at Allen masusubok ang lakas

HARD TALKni Pilar Mateo INTERNET culture. Deep rooted folklore.  Franco Mortiz ang direktor. Si Ays de Guzman ang …

Salome Salvi

Kasong isinampa kina Salome at Tyo Bri ng KSMBPI tuloy pa rin

HARD TALKni Pilar Mateo TULOY pa rin ang paghahatag ng kaso ni Dr. Michael Raymond A. …

Anton Vinzon Kamao

Anton Vinzon muling sasabak sa aksiyon

I-FLEXni Jun Nardo INAABANGAN ng fans kung sino ang magiging leading lady ni Anton Vinzon sa launching …