MATABIL
ni John Fontanilla
IBINAHAGI ni Ion Perez sa publiko ang ipinagawa niyang kusina para sa pinakamamahal na Nanay Zeny sa kanilang bahay sa Concepcion, Tarlac.
Matagal nang plano at pangarap ni Ion para sa kanyang Ina iyon dahil ang pagluluto ang kinahihiligan niyo. Iyon lang ang pangarap at ikinasisiya ng kanyang Nanay.
Ayon nga kay Ion, “Alam n’yo na ‘pag ang nanay mahilig magluto, mahilig sa kusina ‘yan.”
Bumili na rin ito ng mga gamit pang kusina katulad ng water dispenser,TV, washing machine at iba pang gamit para ready kapag natapos na ang ipinagagawang kusina.
Bumili rin ito ng mga ilaw dahil gusto nitong maging napakaliwanag ng kanilang kusina dahil madilim ito dati.
Sana nga ay matapo na ang construction ng kanilang kusina para magamit na ito ni Nanay Zeny.