Ion Perez

Ion Perez pinagawan ng malaking  kusina ang ina

MATABIL
ni John Fontanilla

IBINAHAGI ni Ion Perez sa publiko ang ipinagawa niyang kusina para sa pinakamamahal na Nanay Zeny sa kanilang bahay sa Concepcion, Tarlac.

Matagal nang plano at pangarap ni Ion para sa kanyang Ina iyon dahil ang pagluluto ang kinahihiligan niyo. Iyon lang ang pangarap at ikinasisiya ng kanyang Nanay.

Ayon nga kay Ion, “Alam n’yo na ‘pag ang nanay mahilig magluto, mahilig sa kusina ‘yan.”

Bumili na rin ito ng mga gamit pang kusina katulad ng water dispenser,TV, washing machine at iba pang gamit para ready kapag natapos na ang ipinagagawang kusina.

Bumili rin  ito ng mga ilaw  dahil gusto nitong maging napakaliwanag ng kanilang kusina  dahil madilim ito dati.

Sana nga ay matapo na ang construction ng kanilang kusina para  magamit na ito ni Nanay Zeny.