Saturday , May 28 2022
Kris Aquino
Kris Aquino

Kris time off muna sa socmed

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

OFF line muna si Kris Aquino sa social media. Ito ang nilinaw ng aktres/tv host dahil kailangan niya ng pahinga para makapagpagamot.

Sa Instagram post ni Kris sinabi nitong sasailalim siya sa  apat na oras na treatment para sa kanyang sakit. 

Aniya, in-advise siyang mag-rest muna bago ang naturang treatment kaya offline muna siya pansamantala.

Off line po muna ako, baka lang magtaka kayo. Kailangan ko maging rested & as stress free as possible until Sunday kasi may susubukang treatment… praying very hard na kayanin ng katawan, kasi ito yung magiging paraan para maging mas okay ang quality of life ko,” post ni Kris.

Bagong treatment ang gagawin kay Kris humiling itong ipagdasal ang mga doktor at nurse na gagamot sa kanya.

1st dose ito, pero alam ko yung possible risks involved. Please pray for the doctors & nurses na magaalaga sa kin. The whole process will take about 4 hours plus observation time. 3 days rest before and 3 days rest after. i have faith in God’s plan and His timing,” sambit pa niya.

Sinabi ni Kris na  hindi niya masu-sure na gagaling siya sa gagawing bagong procedure.

Please wag natin i-claim that i’ll be healed, wag natin Syang pangunahan. i continue praying for the Faith to continue Hoping that i’ll get healthy enough for those who still need and Love me. Good night,” aniya.

Iginiit din ni Kris na pinaka-importante ang pamilya. 

“Most important lessons: we can’t change the past, today is all we have, because tomorrow is never promised. FAMILY should always come first. Fulfill your promises because you are only as good as the words you honor, and alagaan, pasalamatan, mahalin ‘yung mga taong tapat at totoong may malasakit sa ‘yo,” sambit pa niya.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Baron Geisler Pusoy

Baron nahiya sa 7 daring scenes sa Pusoy; Kung kailan nag-40 at saka naghubad

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PITONG sexy scenes ang sinalangan ni Baron Geisler sa Pusoy ng Vivamax na mapapanood na simula …

Kathryn Bernardo Family

Kathryn Bernardo ambassador na ng Biogesic

IKINASIYA at ikinakilig ni Kathryn Bernardo ang pagiging health ambassador ng pinaka-pinagkakatiwalaang brand para sa sakit ng …

Marian Rivera Rhea Tan Bea Alonzo Beautederm

Ms. Rhea Tan super-kilig na may Marian na, may Bea pang endorsers ang Beautederm

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AMINADO angPresident at CEO ng Beautéderm na si Ms. Rhea …

Xian Lim Barbie Imperial

Xian nagpaliwanag sa kumakalat nilang litrato ni Barbie 

MA at PAni Rommel Placente BINIGYANG linaw ni Xian Lim sa interbyu sa kanya ng pep.ph ang pang-iintriga sa kanila ni Barbie Imperial dahil sa kumalat na litrato nila habang nasa lobby ng isang …

Vince Tañada Ang Bangkay

Vince umaasang maisasali sa mga filmfest abroad ang Ang Bangkay

HARD TALKni Pilar Mateo SINO Ang Bangkay!  Si Don Segismundo Corintho, ang biyudong embalsamador. Na ginagampanan ni Vince …