Thursday , December 19 2024
Sipat Mat Vicencio

Maling ‘giba’ kay Bongbong

SIPAT
ni Mat Vicencio

SA HALIP MAGALIT, tiyak na tuwang-tuwa ngayon si dating Senador Bongbong Marcos sa ginagawang ‘paggiba’ laban sa kanya at malamang na tuluyang maging pangulo kung hindi babaguhin ang taktika ng kanyang mga kalaban.

Nakauumay na ang paulit-ulit na banat at panlilikbak na ginagawa ng kanyang mga kalaban at sa halip magalit ang simpleng mamamayan lalo lamang umaani ng awa at simpatiya ang kandidatura ni Bongbong.

Matatawag na walang alam sa propaganda ang mga kalaban ni Bongbong. Nawalan ng matinong pag-iisip kung paaano tamang aatakehin si Bongbong, at laging inaakala na sa pamamaraang opensiba dapat gawin para malumpo ang kanilang kalaban.

Dapat isaisip ng mga kalaban ni Bongbong na hanggang ngayon ang sinasabing “FPJ formula” ay epektibo pa rin sa masang Filipino. Ang tinatawag na api o pinagtutulungan gulpihin ay isang uri ng propaganda na laging nakakukuha ng suporta sa mga aping mahihirap.

At ito ang nangyayari kay Bongbong. Bugbog sarado na ang kanyang kandidatura at pinagtutulungan ng mga tulad nina Max Alvarado, Paquito Diaz, Ruel Vernal, Dick Israel, Boy Garcia, Joaquin “Buwaya” Fajardo at iba pang mga kontrabida na kalaunan ay magagapi at mapagtatagumpayan ni Da King.

Poot at galit ang namamayani sa mga kalaban ni Bongbong.  Hindi nag-iisip na sa kanilang ginagawang atakeng opensiba ay lalo lamang itong umaani ng suporta. Walang patol, ‘ika nga, ang paulit-ulit na linyang magnanakaw, mandaraya, sinungaling, manloloko, drug adik, impostor at hindi nakapagtapos ng pag-aaral ang dating senador.

Patunay na sa kabila ng walang humpay na mga banat sa social at mainstream media, namamayagpag pa rin si Bongbong sa mga survey at napakalayo ng agwat sa kanyang mga kalabang sina Vice President Leni Robredo, Manila Mayor Isko Moreno, Senator Manny Pacquiao, at Senator Ping Lacson. 

Kaya nga, payo natin sa mga kalaban ni Bongbong, ‘magpabugbog’ na rin. Mano bang, ‘gulpihin’ n’yo paminsan-minsan si Leni at tiyak na makakukuha ng suporta sa taongbayan.

Nahahalatang amateur ang media handler ni Leni, laging positibo ang latag ng mga balita at mukhang nagsawa nang mag-isip at pinanawan na rin ng mga bagong gimik na kakagatin ng masa.

Ganoon din sa kampo nina Isko at Ping, kailangan maging agresibo sila sa kanilang propaganda at gumawa ng mga bagong ideya na papatok sa simpleng mamamayan para maungusan ang nangungunang presidential aspirant.

At tungkol naman kay Pacquiao, hayaan na lang natin siya sa kanyang trip dahil wala naman siyang panalo at makabubuting ituloy na lamang niya ang pamimigay ng kanyang datung sa mahihirap nating mga kababayan.

Sa Pebrero pa magsisimula ang campaign period at maaari pang makahabol at maunahan nina Leni, Isko at Ping si Bongbong.  Sabi nga mismo ni FPJ… ”Sabihin mo na ang gusto mong sabihin, pero gusto kong malaman mo na huwag ka munang magpaikot. Hindi pa tapos ang laban!”

About Mat Vicencio

Check Also

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …