Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Imelda Papin Maffi Papin

Pamimigay ng bahay ni Imelda tuloy

HARD TALK
ni Pilar Mateo

SA sashing and crowning ng mag-inang Maffi at Imelda Papin kamakailan bilang mga Ambassadors ng Woman of the World 2022, na sila ang lalaban sa pandaigdigang patimpalak sa taong ito, in celebration of International Women’s Day, nabanggit ng kinilala ring Jukebox Queen na tumatakbo sa pagka-Gobernador ng CamSur ang itutuloy niyang naunsyaming proyekto para sa film industry workers.

Ito ang pagbibigay ng pabahay sa mga miyembro ng Actors Guild na pinamumunuan niya at ng iba pang samahang nasa ilalim nito.

Ilang panahon na ang nakalilipas, isa kami sa nakatatanda na minsan na nilang pinlano ng yumaong star-builder na si Kuya Germs ang pagbibigay ng Village of the Stars sa Movielandia Hills sa ilalim ng Sentosa Park Development Corporation.

Pero sa kung anong mga kadahilanan ay hindi na nga ito natuloy at wala ng naging balita.

Napakaganda sana ng plano nina Mel at Kuya Germs sa village na itatayo sana sa San Jose del Monte sa Bulacan. 

Kaya nang mausisa ito kay Mel, sinabi niyang inihahanda na niya ang mga bagay tungkol sa pagpapatuloy sa naunang plano.

Nakakita na tayo ng lupa kung saan na ito maitatayo. Na sana ay agad na rin nating mabili. We’ll have a time to discuss about that very soon. In the meantime, I just want to savor this moment with my daughter on this stage where, magkasalo naming ibabahagi sa inyo ang aming magkatuwang na advocacies na nasimulan na at nais pang pagyamanin. Nakaka-surprise itong regalo sa amin ng Mother of All Pageants na si Ovette Ricalde, para kami ang mapili to represent our country, as women of empowerment.”

Sa pagtakbo naman niya sa politika para ipagpatuloy sa mas mataas na antas ang pagiging Bise-Gobernador niya, handang-handa na si Mel sa laban niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …