Wednesday , December 25 2024
FDCP Film Talks Batangas Forum Doon Po Sa Amin Pride

Batangas forum at FDCP nagdaos ng filmmaking workshop series para sa mga Batangueño

MULA sa Batangas Forum for Good Governance and Development Association, Inc. (BF), sa tulong ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), inilunsad ang isang serye ng online workshop na tumatalakay sa mga batayang kaalaman sa paggawa ng pelikula sa pamamagitan ng FDCP Film Talks @ Doon Po Sa Amin Pride Campaign na gaganapin sa lahat ng Sabado ng Enero ngayong taon.

Ang creative videography workshop series ay naglalayong hikayatin ang paglikha ng nararapat na content material na magtatanghal sa kultura at pamanang yaman ng Batangas na nagsimula noong Enero 8 at dinaluhan ng nasa 120 na mga kalahok sa una nitong sesyon sa visual storytelling. Karamihan sa mga ito ay mga kabataang nasa edad 18 hanggang 30 taon.

FDCP Film Talks Batangas Forum Doon Po Sa Amin Pride Campaign

Sa pagtatapos ng workshop na may apat na bahagi ay inaanyayahan ng Batangas Forum ang mga kalahok na lumikha ng maikling video productions na kinunan mula sa kanilang mga mobile devices para sa Festival of Short Videos na gaganapin din sa taong ito. Ang festival na ito ay isang pangunahing bahagi ng Doon Po Sa Amin Pride Campaign ng Batangas Forum na naglalayong gisingin ang diwang pagmamalaki ng mga Batangueño sa  pamamagitan ng paglikha at pagpapalabas ng mga maikling produksyong pampelikula na nagpapamalas ng mga kakaiba at katangi-tanging aspekto ng kultura at pamanang yaman ng probinsiya. 

The Batangas Forum’s Doon Po Sa Amin Pride Campaign was designed to uplift the morale of the Batangueños and send a message of positivity in the midst of these difficult times of the pandemic.” lahad ni BF President Mauro Barrada.

Ang pride campaign na ito ay nagmula sa malikhaing isip ng Batangas Forum member  na si Direk Leo Martinez, isang beteranong aktor, filmmaker, at icon ng Batangas. Ninais nitong maging daan upang muling paigtingin ang lokal na kultura, kamalayan, at pagpapahalaga ng mga mamamayan. Ang pakikipagtulungan sa FDCP sa proyektong ito ay pagpapatibay din ng layuning makapagbukas ng  mga pagkakataon sa mga kabataang kalahok na mapagyaman ang kanilang pagiging malikhain sa tulong ng mga bihasa sa industriya.

Tinipon ng FDCP Film Talks @ Doon Po Sa Amin ang ilang mga premyadong filmmaker at eksperto upang maging speaker-mentor sa iba-ibang sesyon. Ito ay sina John Carlo Pacala para sa Storytelling noong Enero 8, Zig Dulay para sa Introduction to Directing noong Enero 15, Anjanmar Rebeta para sa Basic Cinematography sa Enero 22, at si Ilsa Malsi para Basic Editing sa Enero 29.

Sa pagbubukas ng mga sesyon, ipinahayag ni Direk Leo, Chair ng Doon Po Sa Amin Pride Campaign Committeeang kanyang pagpapasalamat sa pagbibigay ng FDCP ng libreng virtual workshop para sa mga nais maging filmmaker at propesyonal sa pelikula mula sa kanilang probinsiya ng Batangas.

Ibinahagi ni FDCP Chairperson and CEO Liza Diño na, “This initiative of Batangas Forum matches the thrusts of our agency which include the promotion of culture and heritage through films, popularizing filmmaking in the regions, and conducting local and international cinema festivals, among many others. And we are just so delighted to work with BF to kickstart the year with this activity.”

Sa kanyang talumpati sa pasinaya ng programa, ipinaabot ni Batangas Governor Hermilando Mandanas ang papuri  niya sa FDCP at BF ukol sa proyektong ito  at hinikayat niya ang mga kalahok na samantalahin ang pagkakataong ito na sila ay matuto sa mga aralin ng workshop na ito, para magamit ang kanilang bagong kaalaman at makapag-ambag sa pagpapayabong ng kultura at pamanang yaman ng Batangas. 

Ang mga output ng creative videography workshop na magtatanghal ng mga katangiang ipinagmamalaki ng Batangas. Ang mga ito ay ipalalabas sa isang short video film festival na idaraos ng Batangas Forum ngayong taon. Maaari ring maging bahagi ang mga videong ito ng promotion materials ng mga lokal na pamahalaan ng mga bayan at lungsod ng Batangas. Sa kinalaunan, ang mga ito ay inaasahan ding magiging tala at patunay ng pamanang yaman ng Batangas para sa mga susunod na salinlahi. Para sa mga karagdagang detalye tungkol sa workshop series na ito, mag-antabay sa  social media pages ng FDCP.

About hataw tabloid

Check Also

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …