MATABIL
ni John Fontanilla
ARTISTAHIN ang CEO & President ng napakatagumpay na negosyo na Ms L’s Beauty and Wellness na si Loiegie Dano Tejada na dating modelo.
Kahit nga happily married na at may anak ay mukha pa rin itong bata, flawless, at napaka-sexy kaya naman ‘di mo aakalaing may anak na ito at puwedeng pumasa bilang leading lady.
Pero ayon kay Ms Loiegie, wala siyang balak pumasok sa pag-aartista dahil mas focus ito sa kanyang negosyo. Gusto nitong mapaunlad ang Ms L’s Beauty and Wellness para mas marami siyang matulungan at maturuang magnegosyo.
At kahit barely two months pa lang ang kanilang business ay libo-libo na ang kanilang distributor at sobrang dami ng tumatangkilik sa kanilang mga produkto. Ilan nga sa mga produkto nila na malaking tulong sa magandang kalusugan ng bawat Pinoy ang Bihaku Slimming and Whitening Capsule, Ketodiet Slimming and Whitening Juice, Insulin Instant Coffee Mix Drink, Barley Slimming and Whitening Juice Drink and Rejuvinating Set.
By next year ay maraming produkto pa silang ilalabas na malaking tulong sa kalusugan ng bawat Pinoy at ang naglalakihang billboard sa buong Pilipinas na si Ms Loiegie at ang manyang business partners ang makikita.