Tuesday , March 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulacan Police PNP

10 pasaway kinalawit ng Bulacan PNP

MAGKAKASUNOD na inaresto sa serye ng mga operasyong ikinasa ng mga awtoridad ang 10 kataong pawang may paglabag sa batas, sa lalawigan ng Bulacan hanggang Linggo ng umaga, 2 Enero.

Batay sa ulat na ipinadala kay P/Col. Manuel Lukban, Jr., acting provincial director ng Bulacan PNP,  dinakip ang apat sa mga suspek sa ikinasang anti-illegal drug operations ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng mga himpilan ng pulisya ng Baliwag, Bulakan, at Pandi.

Kinilala ang mga naaresto na sina Carl John Samson, alyas CJ, at Jomari de Leon, alyas Jom, kapwa residente sa Brgy. San Francisco, Bulakan; Nagamora Ganim, alyas Jasper ng Brgy. Poblacion, Baliuag; at Edward Ignacio, alyas Tape ng Brgy. Mapulang Lupa, Pandi. 

Nakompiska mula sa mga suspek ang tatlong pakete ng tuyong dahon ng hinihinalang marijuana, anim na pakete ng hinihi­nalang shabu, at buy bust money na ginamit sa operasyon.

Gayondin, dinampot si Rico Jay Badrinay, alyas RJ ng Brgy. Mapulang Lupa, Pandi sa kasong Alarm and Scandal, at paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002). 

Napag-alamang sumu­god ang suspek sa harap ng Pandi Municipal Police Station (MPS) at nagwala habang naghahain ng reklamo.

Nang hilingin ng mga awtoridad ang kanyang ID, narekober mula sa kanyang pag-iingat ang isang pakete ng hinihinalang shabu.

Samantala, dinampot ang dalawang indibidwal sa magkahiwalay na insidente ng krimen sa mga bayan ng Angat at San Ildefonso. 

Kinilala ang mga suspek na sina Romeo Rigore ng Brgy. Sto. Cristo, Angat, para sa tatlong bilang ng kasong paglabag sa RA 8353 (Anti-Rape Law); at Rolando Valderama ng Brgy. Pasong Bangkal, San Ildefonso para sa kasong Frustrated Homicide.

Sa inilatag na manhunt operations ng tracker teams ng Pandi at Baliwag MPS, San Jose del Monte CPS, 1st at 2nd PMFC, 301st MC RMFB3, 24th Special Action Company (SAF), PHPT Bulacan at 3rd SOU-Maritime Group, nasukol ang tatlong indibidwal na matagal nang pinagha­hanap ng batas.

Kinilala ang mga naarestong akusadong sina Joselito Mariñas ng Brgy. Tiaong, Baliuag na may kasong Rape; Eduardo Gallardo ng Brgy. Bagong Buhay E, San Jose del Monte para sa Sexual Assault kaugnay sa Sec 5(b) ng RA 7610 (Anti-Child Abuse Law); at Rodel Faustino, alyas Ponga ng Brgy. Bagong Barrio, Pandi sa paglabag sa Municipal Ordinance 2003-13 (Anti-Littering Ordinance). 

Kasalukuyang nasa ilalim ng kustodiya ng kani-kanilang arresting unit at police station ang mga suspek para sa naaangkop na disposisyon.

 (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Archi Adamos Arron Villaflor Pater Noster

Pater Noster hitik sa aksiyon, pagiging ama tinalakay

HARD TALKni Pilar Mateo PALABAS na sa mga sinehan ang Pater Noster na nagkaroon ng premiere kamakailan. …

Engr Gaspar Escobar Jr ICSC Teddy Brul

Ipaglaban matatag at makabayang sistema ng enerhiya – ICSC

PANAYAM kay Engr. Gaspar Escobar, Jr., grid modernization advisor ng Institute for Climate and Sustainable …

We Stannin HARD Best New Finds in Luzon with SM Supermalls

We Stannin’ HARD: Best New Finds in Luzon with SM Supermalls

We are all about that stan life. A new album from a rising artist? Fanboy/fangirl …

QCPD Quezon City

Pagkonsumo ng koryente, nilimitahan ng QCPD

BILANG suporta sa deklarasyon ng State of National Energy Emergency, nilimitahan ng Quezon City Police …

Setting the scenes for Mindanaos main characters at SM Supermalls

 Setting the scenes for Mindanao’s main characters at SM Supermalls

Let’s be honest, Mindanao–we’ve never been background characters. There’s a certain confidence in the way …