Friday , November 15 2024

‘Pag nalaglag si Marcos, Jr.
LACSON TOP CHOICE

122421 Hataw Frontpage

HATAW News Team

MANGINGIBABAW si Partido Reporma chairman at standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson sa 2022 residential race kung magpapasya ang Commission on Elections (COMELEC) pabor sa mga petisyon laban kay Ferdinand Marcos, Jr.

Ito ay batay sa resulta ng katatapos na survey na isinagawa ng Pulse Asia, simula 1 Disyembre hanggang 6 Disyembre sa 2,400 kalahok na may edad 18 pataas.

Lumalabas na si Lacson ang alternatibong kandidato sa pagkapresidente na iboboto ng mga botante sa Metro Manila at Luzon kung hindi na matutuloy ang kandidatura ng kanilang unang napiling kandidato.

Ito ay batay sa tanong sa mga kalahok, “Kung ang pinili ninyo bilang presidente ng Filipinas ay hindi na magpatuloy bilang kandidato sa pagkapresidente, sino naman ang inyong iboboto kung ang eleksiyon ay gagawin ngayon at nagpatuloy na kumandidato ang iba pang nasa listahang ito?”

Sa nabanggit na katanungan, si Lacson ay nakapagtala ng mula 19 hanggang 20 porsiyentong katugunan buhat sa kabuuang bilang mga natanong sa survey.

Para sa mga kandidato ng bise presidente, si Sotto ang nanguna sa mga second choice, nahakot niya ang 32% ng mga botante. Sumunod kay Senate President si Senador Kiko Pangilinan na may 16% at pumangatlo si Davao City Mayor Sara Duterte na nakakuha ng 13%. 

Sa kabila nito, naninindigan pa rin ang tambalan ng dalawang batikang mambabatas na hindi basta magbabase sa resulta ng mga survey at magpopokus lang sa pagpapakilala ng kanilang sarili at mga plataporma sa taong bayan. 

“If you notice, laging dialogue ang gusto namin kasi panahon na para i-inculcate naman natin sa mind ng ating electorate na hindi biro-biro ‘yung problema ng ating bansa. Hindi ‘to makukuha ng pa-TikTok-TikTok o kaya kung ano mang mga entertainment,” sabi ni Lacson.

Sa mga “Online Kumustahan” ng Partido Reporma, laging isinasantabi nina Lacson at Sotto ang pagbibigay ng negatibong komento hinggil sa mga kapwa kandidato para sa Halalan 2022, kabilang ang isyu ng diskalipikasyon ni Marcos, Jr.

Para kay Sotto, “‘Yung mga survey is just a snapshot of that day…It would change the following day. So, okay ‘yung surveys — I believe in surveys because you will use it as a guide.”

Sa panig ni dating Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Ronaldo Puno na campaign manager ng Lacson-Sotto tandem,  walang ibang direksiyon na tatahakin ang mga nasa baba ng survey kundi ang tumaas.

“Sa survey, nalalagay tayo sa baba. Pero ang nasa baba, walang pupuntahan kundi pataas,” Ayon kay Puno. Ang sabi nila nakagawa raw ako ng tatlong Presidente. Sana sinabi nila apat: Ping Lacson,” banggit ni Puno.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …