Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ogie Alcasid Bayaning Tunay

OPM singers sanib-puwersa sa Bayaning Tunay

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

SALUDO kami sa ginawa ni Ogie Alcasid para sa mga frontliner. Ito ay ang pagsulat ng kanta na inawit ng 25 tanyag na mang-aawit na nagsama-sama para sa Bayaning Tunay, isang espesyal na handog para sa mga frontliner na itinuturing na mga natatanging bayani ngayong pandemya.

Inawit nina Ogie, Regine Velasquez-Alcasid, Gary Valenciano, Lea Salonga, Zsa Zsa Padilla, Pops Fernandez, Martin Nievera, Lani Misalucha, Noel Cabangon, Piolo Pascual, Bamboo, Ely Buendia, Rico Blanco, Erik Santos, Christian Bautista, Jed Madela, Nyoy Volante, Angeline Quinto, KZ Tandingan, Morissette, Klarisse, Janine Berdin, Jason Dy, Sam Concepcion at Lara Maigue ang Bayaning Tunay na nagbibigay-pugay sa tapang at pagsisikap na ipinamalas ng mga frontliner sa gitna ng mga pagsubok.

Ani Ogie para sa kanyang year-end gift sa mga frontliner, ”Bumababa na ang mga kaso ng COVID-19. Praise the Lord! Huwag nating kalimutan ang mga bayaning tumulong sa atin sa panahon ng pandemya, mga nagtrabaho sa mga ospital, silang mga frontliner.”  

Ang proyektong ito ay ipinarating niya kay Dr. Tony Leachon, chairman ng Kilusang Kontra Covid (KilKoVid), isang civil society group na binuo sa  Quezon City bilang tulong sa QC government sa pagpuksa ng COVID-19 virus. Ang KilKovid ay nakipag-ugnayan sa health care workers sector sa tulong ni Dr. Maricar Limpin ng Philippine College of Physicians upang malaman ng mga manggagamot ang tungkol sa suporta na ito.

Handog ng Star Music ang Bayaning Tunay na mula sa areglo ni Homer Flores, mastered ni Tim Recla, at ipinrodyus ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo katulong sina Ogie at Gary V bilang production consultants.

Pormal na inilunsad ang kanta sa ASAP Natin ‘To noong Linggo at ngayon ay napakikinggan na sa iba’t ibang music streaming services.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …