Tuesday , June 23 2026
Maja Salvador Noel Comia Jr Niña Niño

Niña Niño extended; Noel Comia thankful

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAINTERBYU na namin noon si Noel Comia Jr. at napag-usapan na namin ang tungkol sa pagkakaroon ng chance na makalabas sa Niña Niño ng TV5 bagamat nasa awkward stage siya.

Hindi naman siguro kataka-taka dahil bago ang serye sa TV5 napatunayan na ni Noel ang galing niya sa pag-arte. Itinanghal siyang best actor (actually, pinakabatang nakakuha nito) sa Cinemalaya 2017 mula sa pelikulang Kiko Boksingero. Sumali rin siya sa The Voice Kids na ang talento naman sa pagkanta ang ipinamalas niya. At bago ang mga ito, lumalabas siya sa teatro kaya hasang-hasa siya sa pag-arte.

Isa siguro iyon sa bentahe ni Noel kaya epektibo siya sa Nina Nino nila ni Maja Salvador.

Kaya sa mga blessing na natatanggap ni Noel, very thankful ito lalo nga’t nakakapagtrabaho siya kahit nasa awkward stage. Aniya, ”I feel blessed and thankful. Blessed because nabigyan ako ng pagkakataon na makaarte kasi nga hindi naman lahat ng nasa awkward stage ay napapa-arte at nabibigyan ng trabaho.” 

Blessed din ang iba pang mga kasama sa Nina Nino tulad nina Empoy, Moi Bien, Dudz Terana, Rowi Du, Lilet Esteban, Yayo Aguila, Giselle Sanchez, JM Salvado, Welwel Silvestre, at Junyka Santarin dahil extended ang kanilang serye at nadagdagan pa sila ng mga makakasama.

Kaya naman linggo bago ang Pasko, may handog na regalo ang TV5 para sa mga Kapatid viewer. Dahil sa umaapaw na pagmamahal at suporta sa kanilang highly rated series, buong pagmamalaking ibinabahagi ng TV5 na ang Niña Niño ay ma-e-extend pa at marami pang hatid na mga sorpresa.

Simula kasi nang umere ito noong Abril ngayong taon, nakatanggap ang show ng record-breaking ratings at ginawaran  ng Asian Academy Creative Awards bilang National Winner for Best Drama Series 2021. Kinilala rin ang outstanding na performance ni Maja kaya naman itinanghal siyang National Winner for Best Actress 2021.

We would like to congratulate the stars and teams that were recognized by the Asian Academy Creative Awards. We have seen ‘Niña Niño’s’ great impact on our viewers and we think that this series extension would be a great gift for their supporters. Niña Niño reminds us to never give up despite the challenges we may face and that we can conquer anything as long as we have each other. It’s the perfect message that is in line with TV5’s ‘Atin Ang Paskong Ito, Kapatid’ campaign in this season of hope,” ani Cignal at TV5 President and CEO Robert P. Galang.

At bilang pagpapasalamat para sa pagmamahal at suporta ng kanilang fans, ipinagdiriwang ng Niña Niño ngayong Pasko ang kanilang mga tagumpay at ang mga bagong cast na makakasama, na kinabibilangan nina Matet De Leon, Jairus Aquino, Nikki Valdez, Alex Medina, Harvey  Bautista, Nikko Natividad, at Mon Confiado.

Mas magiging kapana-panabik pa ang kaganapan sa Brgy. Santa Ynez dahil may magbabalik mula sa nakaraan at may mabubunyag na sikreto sa dalawang magkapatid na sina Niña at Niño. 

Mapapanood ang Niña Niño sa TV5 tuwing Lunes, Martes, at Huwebes, 7:15 p.m., bago ang FPJ’s Ang Probinsyano at pagkatapos ng Sing Galing

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Nustar Online IRUNPH South Run All Out, All Proud

Nustar Online sinuportahan mga lokal na magsasaka at IRUNPH South Run: All Out, All Proud

ISANG matagumpay  at makabuluhang milestone para sa Nustar Online ang pagsali sa IRUNPH South Run: All Out, All Proud bilang …

Film Academy of the Philippines Pinoy Oscars Pursuit

Film Academy of the Philippines binuksan Oscars Grants Program para sa mga Filipino Filmmaker

BINUKSAN ngayon ng Film Academy of the Philippines ang mga pagsusumite para sa grants program, ang Pinoy Oscars …

Atasha Muhlach Annie Batungbacal Bongga Ka Day The Musical

Atasha pinaghandaan audition sa Bongga Ka, Day The Musical 

I-FLEXni Jun Nardo DUMAAN sa matinding auditions at call backs si Atasha Muhlach bago napili bilang  Annie Batungbacal sa Viva …

Vince Rillon The Cheating Wife

Vince Rillon ‘di maiwan ang VMX 

I-FLEXni Jun Nardo NAGLILIWALIW muna ang VMX artist na si Vince Rillon at ang VMX movie na The Cheating Wife ang …

Jhen Boles

Jhen Boles College Instructor II na

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang successful businesswoman/Philanthropist na si Jennifer Boles o mas kilala sa showbiz bilang Jhen …