“BAKA sa 2022, pumayag na rin ako sa frontal nudity,” sabi ng isang male starlet na lumalabas na rin naman sa mga sexy role. Kahit na ang tsismis ay badingding din ang male starlet, balita rin naman na “may maipagmamalaki” naman daw siya bukod sa pogi rin naman. Posibleng pagkaguluhan pa rin iyan basta nag-frontal.
Pero may nagsasabi nga raw sa kanya na huwag na. Kasi kung gagawin na nga niya iyon sa 2022, ano pa ang susunod niyang gagawin?
Pero para nga sa male starlet, parang confident siyang kung siya man ay magpo-frontal, mas makabubuti iyon sa kanya at mas dadami pa ang kanyang fans dahil sabi nga niya, ”alam mo naman ang mga Filipino, hanga sila at excited sa ‘malalaki.’”
Kung sa bagay baka nga may point siya dahil natatandaan namin noon na may isang male sexy star na sumikat. Napaniwala ang mga tao sa mga pra la la na matindi ang kanyang ”ipinagmamalaki”. Eh nagkaroon ng scandal, nalaman para lang palang saging na tindok, aba lumubog siyang bigla.