Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rozz Daniels Poster

Rozz Daniels iginawa ng kanta ni Ivy Violan

RATED R
ni Rommel Gonzales

ILANG beses pa lang nagpadala ng mensahe ang sikat na singer na si Ivy Violan pero hindi ito pinapansin noong una ni Rozz Daniels.

Kundi pa dahil sa common friend nilang singing editor na si Blessie Cirera, hindi pa malalaman ni Rozz na interesado si Ivy na igawa siya ng kanta.

Marami kasing kung sino-sinong nagpapadala sa kanya ng mensahe pero karamihan ay para lamang mangutang!

Kaya wala siyang kamalay-malay na magandang balita pala ang hatid ni Ivy sa kanya.

“Sabi ni Blessie, friend si Ivy nagre-reach out sa iyo. Mula noon araw-araw na kaming nagtatawagan, nagpe-Facetime.”

Humantong iyon sa isang pagkakaibigan at iginawa na nga ni Ivy ng kanta si Rozz.

Naghahanda na si Rozz sa launch ng debut single niyang Alay Sa Iyo composed by music icon Ivy Violan at ang Bakit na collaboration naman nina Ivy at Rannie Raymundo para kay Rozz.

Si Ivy naman ang naging tulay kay Rannie para maging parte ng kantang Bakit.

Plano nilang gumawa ng isang album na compilation ng mga kanta ni Rozz.

Mula Wisconsin, USA ay lumipad pauwi sa Pilipinas si Rozz para asikasuhin ang kanyang mga kanta. Laking pasasalamat ni Rozz sa teknolohiya dahil regular niyang nakakausap ang American husband sa pamamagitan ng Facetime.

“Oh, one hundred percent,” ang sagot ni Rozz sa tanong namin kung gaano ka-supportive ang mister niya sa kanyang singing career.

“Alam niya itong mga ginagawa ko, lagi nga niyang tinatanong sa akin kung sigurado ba ako na tama o kasya ang pera ko, sabi ko naman, ‘Yes, honey!’

“Lagi niyang sinasabi, ‘Honey, it’s your time to shine!’

“Kasi noon natigil ang pagkanta ko kasi inasikaso ko ang husband at four children ko.”

Hands-on na asawa at ina si Rozz noon kaya ngayong malalaki na ang kanilang mga anak ay muli siyang tumutok sa kanyang singing career.

Sa pagbabakasyon ni Rozz sa Pilipinas, ginawaran siya ng parangal bilang Most Promising Female Pop Rock Diva of the Year 2021 ng Phoenix Excellence Awards na isinagawa sa Overview Resto Bar sa Quezon Avenue noong December 8 na dinaluhan ng kanyang mga kapamilya, kaibigan, tagahanga, at media friends.

Ang Phoenix Excellence Awards ay pinamamahalaan ni direk Ronald Abad.

Regular na napapanood si Rozz sa KUMU sa The Rocks & Rozz show kasama sina Blessie (ang singing editor ng Police Files Tonite), ang younger sister ni Rozz na si Analyn Torregoza (na napakahusay ding kumanta), ang cute oppa na si Jerome SangalangDerf Dwayne na may mala-James Ingram na boses, at ang opera singer na si Harold Evangelista.

Mga anak kung ituring ni Rozz ang mga kasama niyang talents sa The Rocks & Rozz Show.

Napapanood ang The Rocks & Rozz Show sa KUMU tuwing Sabado, 10:00 a.m.- 1:00 p.m..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …