Thursday , June 4 2026

Retiradong pulis todas sa boga

PATAY ang isang retiradong pulis makaraang barilin sa ulo ng dalawang hindi kilalang salarin habang naglalakad kasama ang kanyang aso sa Quezon City, nitong Miyerkoles ng umaga.

Ang biktima ay kinilalang si Robert Tortogo, 66, may asawa, retired PNP member, at residente sa Sto. Niño Interior St., Brgy. Payatas A, Quezon City.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), dakong 6:05 am, 24 Nobyemnre, nang maganap ang pamamaril di-kalayuan sa tahanan ng biktima sa Sto. Niño Interior St., Brgy. Payatas A, sa lungsod.

Sa imbestigasyon ni P/SSgt. Bienvenido DG Ribaya III ng CIDU, naglalakad ang biktima kasama ang kanyang aso nang lapitan siya ng dalawang  lalaki saka binaril sa ulo.

Tumakas ang mga suspek sakay ng isang taxi na humarurot sa hindi natukoy na direksiyon.

Masusing nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya upang malaman ang motibo ng pamamaslang at makilala ang mga suspek. (ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Alan Peter Cayetano Senate Minority Bloc

Sa minority bloc  
‘KALAYAAN’ NG SENADO IPAGTANGGOL – SP ALAN

NANAWAGAN si Senate President Alan Peter Cayetano sa minority bloc na makiisa sa pagtatanggol sa …

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …