Saturday , November 23 2024
Gigi De Lana Gerald Anderson

Gigi de Lana nailang, kinilig kay Gerald

ni Maricris V. Nicasio

AMINADO si Gigi De Lana na kinilig siya nang malamang si Gerald Anderson ang makakatambal niya sa unang sabak sa pag-arte sa pamamagitan ng Hello, Heart ng iQiyi’s Original at ABS-CBN. Pero aminado rin itong nailang sa aktor.

Sina Gigi at Gerald ang bibida sa romantic comedy na Hello, Heart na mala-K-drama ang dating na mapapanood na simula December 15, 8:00 p.m.

Pag-amin ni Gigi sa isinagawang virtual media conference kahapon, nape-pressure siya dahil hindi naman acting ang nakasanayan niya.

“May halong pressure, kasi kinalakihan ko is pagkanta. ‘Yun ‘yung passion ko. Pero ‘yung nakikilala ako ngayon as artista, it’s a big accomplishment for me, and gusto ng mom ko na mag-artista ako.”

Bagama’t pressured proud naman sa sarili niya si Gigi. ”I’m proud of myself, kasi malayo and singing sa pagiging artista, since sa pag-aartista ‘di lang ako kumakanta lang, ibinibigay ko ‘yung buong puso ko. Grabe very open and very vulnerable talaga ‘yung pagiging artista, so I’m very very happy na ganito ‘yung nakakamit ko.”

Ginagam­panan ni  Gerald ang karakter ni Saul isang  emotionless, business-as-usual guy na nag-hire kay Gigi para magpanggap na asawa nito para mapagbigayan ang lolang may dementia.

Ani Gerald nag-research pa siya ng tungkol kay Gigi nang malaman niyang ito ang makakapareha niya. ”First of all I was excited kasi it’s something na ‘yung character ko bilang Saul is a character I’ve always wanted to play. You know, business tycoon and very me. It’s a dynamic character and noong sinabi na si Gigi makakasama ko siyempre ni-research ko agad sa Youtube. I watched her videos na kumakanta and for some reason it always works when there’s fresh and new tandem.”

Sinabi ni Gerald na na-excite siya na baguhan ang makakatambal niya. “It excites me because it’s another challenge as an actor. And it’s exciting for the fans. Again for Gigi’s fans, please watch out for her, she worked so hard, and pinaghirapan din ng maraming tao and on December 15 on iQiyi, panoorin po ninyo.”

Sa kabilang banda, nagsanib-puwersa ang nangungunang media at entertainment company na ABS-CBN at global streaming service na iQiyi para itaguyod ang mga kuwento at talento ng Filipino sa pamamagitan ng mga orihinal na produksiyong ilulunsad nila para sa subscribers ng iQiyi sa buong mundo.

Nanguna sa naganap na pirmahan kahapon (Nobyembre 23) sina ABS-CBN COO of broadcast Cory Vidanes at iQiyi Philippines country manager Sherwin Dela Cruz, kasama sina Dreamscape Entertainment head Deo Endrinal at iQiyi Philippines marketing supervisor Andrea Reyes.

Kabilang sa kanilang ginagawang serye ang Saying Goodbye nina Andrea Brillantes at Seth Fedelin, Hello, Heart, at Lyric and Beat, na mga unang local originals ng iQiyi sa Southeast Asia.

Para sa iba pang amazing Asian content, puweeng mag-log in for free o mag-sign up for a subscription (skip ads) sa the iQiyi app and www.iQ.com.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …