Saturday , December 21 2024
Yorme Isko Moreno Xian Lim Mccoy de Leon Raikko Mateo

Xian Lim na-inspire pasukin ang politika at maging mayor dahil kay Isko Moreno

ALAM MO NA!
ni Nonie V. Nicasio

SI Xian Lim ang gumaganap na present day Isko Moreno sa musical film na Yorme: The Isko Domagoso Story. Si Raikko Mateo naman ang batang Isko samantalang si McCoy de Leon ang teenager version ni Isko, na naging miyembro siya ng youth oriented show ni Kuya Germs na That’s Entertainment.

Ayon kay Xian, nakilala niya nang husto ang pagkatao ni Manila Mayor Isko Moreno habang ginagawa ang pelikula. At dahil nga rito ay na-inspire rin siyang maging mayor o kaya’y public servant sa hinaharap.

“Sana! Hahaha! Kung mabibigyan ng pagkakataon, ang saya po noon,” lahad ng aktor. “Of course, I think to be an inspiration to many and to be able to create change is very important. I think if there’s anything na napulot ko rito sa proyekto na ito, it’s the ability to inspire and change,” dugtong niya.

Ang Yorme ay ipinrodyus ng Saranggola Media Productions at mula sa direksyon ni Joven Tan na siya ring sumulat ng 15 original songs sa pelikula. Ang Viva Films naman ang magdi-distribute ng pelikula na mapapanood sa Dec. 1 sa mga sinehan.

Ano ba ang pinakamahirap sa paggawa ng isang musical film?

Tugon ng aktor, “Well, si Direk Joven naman po kasi, marami po siyang na-compose na magagandang kanta. I believe yung couple of songs ni Ice Seguerra, si Direk Joven ang nagsulat at nag-compose. So, he would give me the song beforehand. Siyempre, aaralin mo, ire-record namin. And after the recording, dadalhin sa shooting namin.

“Ipinakita rin niya sa akin yung mga ups and downs ni Mayor Isko para mas maramdaman ko yung kanta. At siyempre, sariling research na rin ng karakter dahil may ipino-portray po tayo na isang importanteng tao. Hindi naman ito basta na dadalhin mo lang ang sarili mo, tapos aarte ka.

“Medyo nahirapan lang ako nang kaunti sa punto ni Yorme. Mayroon siyang punto, eh, kung paano siya magsalita,” tuloy-tuloy na pagbabahagi ni Xian.Nagbigay din siya ng reaksiyon sa nagsasabing baka magamit ang pelikula sa political ambition ng alkalde. 
“Actually, pumasok ako sa project na ito as an actor lang po talaga. Hindi ko po iniisip yung mga ganoong bagay. Para sa akin po nandito lang ako para sa ganda ng proyekto and to inspire people na makakapanood. Yon kasi yung kailangan natin sa mga panahon ngayon, eh.”

Samantala, bukod sa tatlong bidang lalaki ay kasama rin sa pelikula ang mga dating taga-That’s na sina Janno Gibbs, Jestoni Alarcon, Tina Paner, Monching Gutierrez, at marami pang iba.

About Nonie Nicasio

Check Also

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …